Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 7/22 p. 31
  • Maging Maingat sa Pagpili ng Libangan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maging Maingat sa Pagpili ng Libangan
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Pipili ng Libangan
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Kung Paano Pipili ng Kaayaayang Libangan
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Makasusumpong Ka ng Kapaki-pakinabang na Libangan
    Gumising!—1997
  • Pasayahin si Jehova sa mga Pinipili Mong Libangan
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 7/22 p. 31

Maging Maingat sa Pagpili ng Libangan

Ano ang epekto ng libangan sa mga bata? Si Alvin Poussaint, isang tagapagturo at doktor na nakitungo sa mga bata sa loob ng mga 30 taon, ay naniniwala na ang panonood ng mga pelikulang nagtatampok ng sekso at karahasan ay nagtuturo sa mga kabataan na ang gayong paggawi ay normal. Sinabi rin niya ang isa pang panganib: “Nakakita ako ng mga batang umuuwi sa kanilang bahay mula sa panonood ng gayong mga pelikula na nagiging matatakutin​—o lubhang mapusok. Nakakita ako ng iba na nanunumbalik sa labis na emosyonal na pagdepende o pagsupsop ng hinlalaki o pag-ihi sa higaan.” Ayon sa doktor na ito, itinala ng mga dalubhasa ang iba pang pangyayari na maaaring maging dahilan ng gayong mga paggawi​—pisikal o seksuwal na pang-aabuso o paninirahan sa lugar ng digmaan, na ilan lamang sa mga ito. “Walang sinuman sa atin ang kusang maglalagay sa isang bata sa gayong mga situwasyon,” paliwanag niya, “subalit hindi tayo kumikilos upang ilayo sila mula sa panonood ng mga pelikulang ikinatatakot nating makita nila sa totoong buhay.”

May mabuting dahilan ang mga Kristiyano upang maging mapamili at tiyakin na ang libangang pinipili nila ay hindi labag sa mga simulain ng Bibiya. Halimbawa, sinasabi sa Awit 11:5: “Si Jehova ang sumisiyasat sa matuwid at gayundin sa balakyot, at ang sinumang umiibig sa karahasan ay tunay na kinapopootan ng Kaniyang kaluluwa.” At ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay sumulat: “Patayin ninyo, kung gayon, ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa na may kinalaman sa pakikiapid, kawalang-kalinisan, seksuwal na pagnanasa, nakasasakit na nasa, at kaimbutan . . . Alisin ninyo ang lahat ng mga iyon sa inyo, poot, galit, kasamaan, mapang-abusong pananalita, at malaswang pananalita mula sa inyong bibig.”​—Colosas 3:5, 8.

Ang mga magulang, kung gayon, ay dapat na maging maingat upang ang libangang pinipili nila para sa kanilang mga anak​—at para sa kanilang sarili​—ay hindi nagtatampok ng “mga gawa ng laman.” (Galacia 5:19-21) Dapat silang maging mapamili, na isinasaalang-alang kapuwa ang uri at dami ng kanilang libangan.​—Efeso 5:15-17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share