Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g98 8/22 p. 31
  • Ipinagsasanggalang Nila ang Tupa Mula sa mga Coyote

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ipinagsasanggalang Nila ang Tupa Mula sa mga Coyote
  • Gumising!—1998
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahanga-hangang Lana
    Gumising!—1991
  • Dalawin ang Lupain, Dalawin ang mga Tupa!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1992
  • Pag-aalaga ng Tupa ang Aming Hanapbuhay
    Gumising!—1993
  • Lana, Balahibo ng Tupa
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1998
g98 8/22 p. 31

Ipinagsasanggalang Nila ang Tupa Mula sa mga Coyote

ISANG malaking banta sa kabuhayan ng mga rantsero ng tupa sa gawing kanluran ng Estados Unidos ang mga coyote. Noong 1996 lamang, pinatay ng pederal na mga mambibitag ang mahigit na 82,000 coyote, at mula noong 1990, mahigit na 600,000 ang napatay na. Ngunit natuklasan ng ilang nag-aalaga ng tupa ang isa pang paraan upang ipagsanggalang ang kanilang kawan. Nag-angkat sila ng mga llama mula sa Timog Amerika.

Ang llama ay kamag-anak ng kamelyo. Sa katunayan, maaga sa taong ito, iniulat na nilahian ng isang lalaking kamelyo ang isang babaing llama, na nagsilang ng isang hayop na kahawig ng ama nito. Ang llama ay maaaring tumimbang ng mga 100 kilo at tumataas sa katamtaman na mga sandaa’t dalawampung centimetro sa balikat. Mahaba ang buhok nito na karaniwang puti subalit maaari rin itong maging kayumanggi o itim. Subalit mas mahalaga sa mga nag-aalaga ng tupa, pinagmamalasakitan ng llama ang tupa at itinataboy ang mga coyote.

“Sinisipa niya ang mga ito at iniuugoy ang ulo niya,” paliwanag ng isang nag-aalaga ng tupa na si Becky Weed. “Wala kaming nawala na isa mang tupa dahil sa mga coyote sa loob ng apat na taon.” Subalit sa pag-amin na ang llama ay hindi siyang kumpletong lunas, sinabi ni Weed: “Mayroon kaming isang oso sa aming kawan at nawalan kami ng apat na tupa.”

Isang grupo ng mga nag-aalaga ng tupa na palaisip sa kapaligiran ang bumuo ng Growers’ Wool Cooperative. Ito’y isang samahan na nagbibili ng ginagawang lana na “mabait sa maninila,” yaon ay, lana mula sa mga nag-aalaga ng tupa na gumagamit ng hindi nakamamatay na paraan ng pagsawata sa maninila. Bukod sa mga llama, ginagamit din ang mga bantay-aso at mga buriko upang ipagsanggalang ang mga tupa.

Kinontrata ng Growers’ Wool Cooperative ang mga nagninit sa bahay upang gumawa ng mga kasuutang lana. Mas mataas na presyo ang sinisingil sa lanang ito, at ang mga pangginaw, sombrero, blangket, at iba pang bagay na gawa mula rito ay mas mahal din. Babayaran kaya ng mga tao ang karagdagang halaga para sa mga bagay na ito? “Gayon nga ang ginagawa ng mga tao kapag sinabi ko sa kanila ang uri ng rantsong pinanggalingan nito,” paliwanag ng isang may-ari ng tindahan sa Chatham, New York. “Nagugustuhan ito ng mga tao sapagkat may kuwento sa likod ng pangginaw.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share