Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 5/22 p. 31
  • Nakakita Ka Na ba ng Isdang Lumalakad?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nakakita Ka Na ba ng Isdang Lumalakad?
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Isda
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kapag Nagkasakit Dahil sa Isda
    Gumising!—2006
  • Akwa-Kultura—Mga Isda na “Pang-ulam”
    Gumising!—1995
  • Mga Ibong Mangingisda
    Gumising!—2011
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 5/22 p. 31

Nakakita Ka Na ba ng Isdang Lumalakad?

PAMBIHIRANG TANAWIN! Nakatayo ako sa gilid ng isang latiang may mga bakawan, anupat pinagmamasdan ang sa akala ko’y bakanteng patag na putikan lamang. Subalit iyon pala ay hindi bakante. Isang kakaibang grupo ng mga sirkero ang nagtatanghal. Kakaiba sa anong paraan? Bawat isa ay hindi lalampas sa labinlimang centimetro ang haba. Ito ay mga isda.

Bagaman ang paglakad at pagtalon ng mga isda ay kasing-imposible ng paglipad ng mga elepante, iyon talaga ang nakikita ko. Subalit paano nakalalakad, nakaaakyat, at nakatatalon ang isang isda​—oo, nakahihinga pa nga​—kahit wala sa tubig?

Ang mga isdang nakita ko ay tinatawag na mga mudskipper. Ang isa sa pambihirang mga katangian nito ay ang kanilang mga mata, na umuusli sa kanilang ulo at pagkatapos ay lumulubog. Ang isa pang katangian nito ay ang kanilang mga palikpik sa dibdib, na ginagamit ng mudskipper upang makalakad sa putikan​—na gaya ng paggamit ng isang tao ng saklay upang makalakad. Subalit paano tumatalon ang isang mudskipper? Ang pambihirang isdang ito ay nakasisikad sa pamamagitan ng buntot nito, anupat nakalulukso nang animnapung centimetro sa ere. Ang mga mudskipper ay bihasa ring mga inhinyero sibil, na gumagamit ng kanilang mga palikpik bilang mga pala upang gumawa ng mga lungga sa putikan.

Ang mga mudskipper ay may likas na tangke ng oksiheno​—ang mga espasyo sa loob ng bibig at hasang nito, na pinanatiling punô ng tubig kapag ito’y “tumatalon” sa lupa. Kapag naubos na ang oksiheno sa “tangke” nito, kumakaripas ito sa putikang may tubig para kargahan itong muli.

Kung may mapupuntahan kang patag na putikan sa Aprika o Asia at kung mababata mo ang mga lamok at ang araw sa tropiko, bakit hindi subuking hanapin ang mudskipper? Kung magkagayon ay masasabi mo rin na nakakita ka na ng isang isdang naglalakad!​—Isinulat.

[Picture Credit Lines sa pahina 31]

Larawan sa likuran: Jane Burton/Bruce Coleman Inc.

Nakasingit na mga larawan: Kuha ni Richard Mleczko

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share