Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 9/8 p. 24-25
  • Ang Pinakamalaki at ang Pinakamaliit

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pinakamalaki at ang Pinakamaliit
  • Gumising!—1999
  • Kaparehong Materyal
  • Kagandahan sa Himpapawid
    Gumising!—1988
  • Isang Araw sa Buhay ng Isang Paruparo
    Gumising!—1993
  • Pag-aani ng Produktong May mga Pakpak
    Gumising!—2002
  • Ang Makulay na Pakpak ng Paruparo
    Gumising!—2012
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 9/8 p. 24-25

Ang Pinakamalaki at ang Pinakamaliit

“Huwag mong patayin ang gamugamo ni ang paruparo.”​—WILLIAM BLAKE (1757-1827).

NAPAGMASDAN mo na ba ang isang lumilipad-lipad na paruparo? Sino bukod sa totoong walang-malasakit sa mga nilalang ang hindi hihinto upang humanga sa kagandahan at kahinaan ng kaakit-akit na insektong ito? At masusumpungan ito sa buong daigdig sa iba’t ibang laki at disenyo anupat sinabing mayroong 15,000 hanggang 20,000 uri nito!

Ano ang pinakamalaking paruparo na kailanma’y nakita mo? Kung nakatira ka sa Papua New Guinea, marahil ay nakita mo na ang pinakamalaki sa buong daigdig​—ang Queen Alexandra’s birdwing, na ang sukat ng nakabukang pakpak ay mga 280 milimetro. Kung ikaw naman ay nakatira sa Hilaga o Sentral Amerika, maaaring nagkapribilehiyo kang makita ang isang Homerus swallowtail, na ang sukat ng nakabukang pakpak ay umaabot ng hanggang 150 milimetro. Ang pinakamalaking paruparo sa Aprika ay ang African giant swallowtail, na ang sukat ng nakabukang pakpak ay umaabot ng hanggang 230 milimetro.

Kumusta naman ang pinakamaliliit na paruparo? Saan masusumpungan ang mga ito? Ang The Illustrated Encyclopedia of Butterflies, ni John Feltwell, ay nagsasabi na “ang North American Pygmy blue . . . ay malamang na siyang pinakamaliit na paruparo sa daigdig, na ang sukat ng nakabukang pakpak ay 15-19 na milimetro.” Ang pinakamaliit na paruparo sa Britanya ay ang small blue, na ang sukat ng nakabukang pakpak ay dalawampu’t apat na milimetro.

Sa maraming bahagi ng daigdig, may mga bahay ng paruparo kung saan maaari kang lumibot at aktuwal na dapuan ng magagandang paruparo na ito. Marami kang matututuhan tungkol sa kawili-wiling nilalang na ito at sa siklo ng buhay nito​—ang pagbabago nito mula sa isang napakaliit na itlog tungo sa isang higad na nagiging pupa hanggang sa maging isang ganap na paruparo. Kaya sa susunod na pagkakataong makakita ka ng isang lumilipad-lipad na paruparo, huminto ka, humanga, at mamangha rito. Mamamasdan mo ang isang himala​—malaki man o maliit!

[Mga larawan sa pahina 24, 25]

Ang pinakamalaki at ang pinakamaliit na mga paruparo, ang Queen Alexandra’s birdwing at ang pygmy blue (kapuwa sa aktuwal na laki)

[Credit Lines]

Mga paruparo: Allyn Museum of Entomology, Florida Museum of Natural History

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share