Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 1/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Ikaw ba ay Alerdyik sa Laktos?
    Gumising!—2000
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Pag-unawa sa Lactose Intolerance
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 1/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Nakatanim na Bomba Naantig ang aking damdamin sa seryeng “Mga Nakatanim na Bomba​—Ano ang Maaaring Gawin Dito?” (Mayo 8, 2000) Nakapanghihilakbot na malamang napakaraming walang-malay na sibilyan ang namamatay taun-taon dahil sa mga nakatanim na bomba.

E. U., Finland

Nahiya ako nang mabasa ko ang tungkol sa napakalupit na mga kagamitang ito na ginagamit ng mga tao upang pinsalain ang kanilang mga kapuwa. May makatuwirang dahilan ang Diyos upang makialam at alisin ang kabalakyutan sa ating lupa.

G. S., Brazil

Ang seryeng ito ay isang mahalagang pangyayari, anupat ipinababatid sa madla ang isang malaking isyu. Ang larawan sa pabalat ay mabisa sa pagpukaw ng interes.

R. H., Estados Unidos

Paraan ng Paggamot na Walang Pagsasalin ng Dugo Ipinaalaala sa akin ng artikulong “Mamamatay Ka!” (Mayo 8, 2000) ang karanasan ng aking ama. Noong nakalipas na mga taon, naistrok siya habang nagmamaneho ng kotse. Tumaob ang kaniyang kotse, at nang muli siyang magkamalay, sinabi ng doktor sa kaniya na kailangan siyang salinan ng dugo. Nang tumanggi ang aking ama, sinabi ng doktor: “Kung hindi ka magpapasalin, mamamatay ka.” Tumanggi pa rin ang aking ama. Kinabukasan, pumasok ang doktor sa silid ng aking ama at nagtanong: “Kumusta ka na?” Sinabi ng aking ama: “Buháy ako!” Buháy pa rin ang aking ama at naglilingkod kay Jehova sa abot ng kaniyang makakaya.

T. M., Estados Unidos

Mayroon akong kakaibang kanser sa dugo, at nang masuri ito, sinabi sa akin ng doktor na mamamatay ako sa loob ng anim na buwan kung hindi ako kaagad magpapasalin ng dugo. Iyon ay noong 1991 pa. Nakasumpong ako ng isang doktor na gumagalang sa aking mga paniniwala sa dugo, at sa ilalim ng kaniyang pangangasiwa, personal akong nagpasiya na magpainiksiyon ng erythropoietin linggu-linggo, na siya namang tumulong upang tumaas ang bilang ng aking dugo.

E. G., Estados Unidos

Nabasa ko ang kasaysayan ni Leanne Karlinsky, at bilang isang manggagamot, nangilabot ako sa pagiging di-makatao niyaong mga hindi nag-asikaso sa kaniya pagkatapos ng operasyon [dahil tumanggi siyang magpasalin ng dugo]. Mahirap gunigunihin ang gayong makikitid na isip!

C. C., Estados Unidos

Paglaban sa Pagkasiphayo Yamang nanlulumo ako, binasa ko agad ang artikulong “Ang Pangmalas ng Bibliya: Kung Paano Haharapin ang Pagkasiphayo” (Mayo 8, 2000) nang matanggap ko ito. Gaya ng sinabi ninyo, ang pakikipag-usap sa isa na maunawaing makikinig ay totoong nakapagpapatibay-loob. Gusto kong ipahayag ang aking pasasalamat sa inyong napakahuhusay na artikulo.

A. D., Lithuania

Alerdyik sa Laktos Ang aking asawa ay nagpatingin sa kaniyang doktor dahil nakararanas siya ng malulubhang sintomas. Sinabi ng doktor na baka alerdyik siya sa laktos. Noon ko lamang narinig iyon, kaya laking pasalamat namin dahil sa artikulong “Ikaw ba ay Alerdyik sa Laktos?” (Mayo 8, 2000) Ang napakahusay na impormasyong ito ay dumating sa tamang panahon.

E. P., Estados Unidos

Brazil Ang artikulong “Ang Pantanal​—Isang Kawili-wiling Kanlungan ng mga Hayop” (Setyembre 8, 1999) ay pumukaw sa aking hangarin na makita ko mismo ang bahaging ito ng sangnilalang ni Jehova. Kaya kami ng aking kapatid na babae ay nagplanong magtungo sa Brazil, at dalawang linggo bago kami nakarating doon ay dumating ang artikulong “Ang Madulang Kasaysayan ng Isang ‘Lupain ng Pagkakaiba-iba.’ ” (Mayo 8, 2000) Ito ay nagsilbing napakahusay na giya patungo sa pinakamaiinam na lugar na mapupuntahan.

E. V., Inglatera

Mga Ibon at mga Bilanggo Naging kagalakan ko na palakihin​—at palayain pabalik sa iláng​—ang ilang ibon. Ang artikulong “Ano ang Maituturo ng Isang Ibon sa Isang Bilanggo?” (Mayo 8, 2000) ay nagpaalaala kung paanong maging ang isang maliit na nilalang ni Jehova ay makapagtuturo nang malaki sa atin.

E. D., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share