Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 8/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2000
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 8/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Kawalan ng Trabaho Nais kong sabihin sa inyo ang labis na pampatibay-loob na tinanggap ko mula sa artikulong “Ano Na ang Nangyari sa ‘Panghabang-Buhay na Trabaho’?” (Oktubre 8, 2000) Ang mga mungkahi kung paano maghahanda para sa pagbabawas ng mga empleado at kung paano mahaharap ang kawalan ng trabaho ay kahanga-hanga. Mas relaks ako para sa panayam sa trabaho na pupuntahan ko.

F. W., Estados Unidos

Botikang Tsino Nababahala ako tungkol sa teoriya ng alternatibong paggamot na inilarawan sa artikulong “Pagdalaw sa Isang Botikang Tsino.” (Nobyembre 8, 2000) Wala akong tutol sa paggamit ng mga halamang-gamot. Gayunman, hindi ba’t higit pa ang nasasangkot sa yin at yang kaysa init at lamig lamang? Labis ninyong pinasimple ang isang doktrina na nag-uugat sa okulto at huwad na relihiyon. Hindi ba niyan ginagawa itong mapanganib?

V. A., Estados Unidos

Totoo na sa Silangan ang simulain ng yin at yang ay ikinapit sa maraming gawain, pati na sa panghuhula. Gayunman, kasali rin ang gamit nito sa iba pang paraan na hindi ipinagbabawal sa Kasulatan, gaya sa paggawa ng isang medikal na pagsusuri. Kaya ang bawat Kristiyano ang dapat magpasiya kung gagamitin niya ang mga pamamaraan ng paggamot na salig sa simulaing ito.​—ED.

Mga Problema ng mga Bata Lubha akong naantig ng seryeng “Mga Problema ng mga Bata​—Ang Solusyon sa Wakas!” (Disyembre 8, 2000) Mayroon akong malulungkot na alaala ng aking pagkabata. Ang aking ina ay isang manginginom at tinatrato ako nang may pang-aabuso halos araw-araw. Sa paglipas ng panahon, nanlumo ako at madalas ay gusto ko nang mamatay. Ipinaalaala sa akin ng mga artikulo kung gaano kahalaga ang buklod sa pagitan ng mga anak at ng mga magulang. Ngayon na naranasan ko na ang pag-ibig ni Jehova sa akin, sinisikap kong maging higit na maunawain sa aking ina; gayundin ang naranasan niya sa kaniyang pagkabata.

U. P., Republika ng Korea

Ako’y isang guro mula sa Argentina, at sa palagay ko’y magiging kamangha-mangha kung gagawin ng lahat ng mga magulang at mga guro ang payo ng isyu na ito​—at ng Bibliya, na madalas ninyong sipiin.

F. S., Espanya

Galit Nabasa ko ang balitang “Ang Galit at ang Iyong Puso” na nasa “Pagmamasid sa Daigdig.” (Disyembre 8, 2000) Totoong-totoo ito. May sakit ako sa puso anupat madalas akong makadama ng pagod at masamang pakiramdam. Ang paaralan ay isang hamon sa akin sapagkat hindi ko maaaring hayaan ang aking sarili na magalit. Gayunman, dahil sa Diyos na Jehova, napagtagumpayan kong alisin ang galit sa aking buhay.

A. F., Estados Unidos

Mga Problema sa Prostate Ang artikulo kamakailan na “Pagharap sa mga Problema sa Prostate” (Disyembre 8, 2000) ay labis na pinahahalagahan. Gayunman, hindi nito binanggit ang tungkol sa pamamaraang radioactive-seed-implant. Inilathala na ito kamakailan sa pangunahing mga magasin sa Estados Unidos at kakaunti ang masasamang epekto nito.

H. Z., Estados Unidos

Maraming salamat sa pagbibigay-alam sa aming mga mambabasa sa paggamot na ito. Ipinakikita ng mga report na ang radioactive-seed therapy (brachytherapy) ay hindi gaanong maabala kaysa tradisyunal na operasyon at sa ilang kaso ay maaaring kasimbisa rin. Gayunman, matagal pa bago malaman ng mga doktor ang pangmatagalang mga epekto nito. Samantala, ang mga pasyente ay dapat na magkaroon ng lubos na kabatiran tungkol sa kanilang mga mapagpipilian bago magpasiya.​—ED.

Yellowstone Pinupuri ko ang artikulong “Ang Yellowstone​—Kung Saan Nagsasanib ang Tubig, Bato, at Apoy”! (Disyembre 8, 2000) Nasiyahan kaming mag-asawa na makapagtrabaho sa parkeng ito noong nakaraang taon. Ang aking maybahay ay nagtrabaho sa isang research database, at ako naman ang nagsurbey ng mga latian. Kaya nang lumabas ang artikulong ito, tuwang-tuwa kami at agad namin itong binasa. Napakahusay na akda! Mahusay ang pagkakapili ng mga larawan at magaling ang pagkakasaliksik. Ang impormasyon ay tumpak sa lahat ng bagay. Subalit kailangang puntahan at tingnan ng isa ang lugar na ito! Walang katapusan ang kagandahan nito.

D. S., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share