Halika, Pakinggan ang Walang-Bayad na Pahayag Pangmadla
“Sino ang mga Nagtuturo ng Katotohanan sa Lahat ng mga Bansa?”
Sinabi minsan ng isang obispo: “Ang ganap na katotohanan ay hindi makakamit ng sinuman.” Tama ba ang pangmalas na iyan? O mayroon bang isang pagmumulan ng ganap na katotohanan? Posible ba na darating ang panahon kapag ang lahat ay magsasalita ng katotohanan?
Simula sa Nobyembre 23-25, 2001 at magpapatuloy hanggang Enero 11-13, 2002, ibibigay ang pahayag na may pamagat na itinampok sa itaas sa 60 tatlong-araw na “Mga Guro ng Salita ng Diyos” na Pandistritong Kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova sa Pilipinas. Sa katunayan, ito ay isang tampok na bahagi ng mga 2,000 nakakatulad na kombensiyon sa humigit-kumulang 150 bansa sa buong daigdig.
Kabilang sa mga tanong na tatalakayin ay: Saan nagmumula ang katotohanan? Paano isinisiwalat ang katotohanan? Ano ang pangunahing aklat-aralin sa pagsisiwalat ng katotohanan?
Maaari kang makinig sa mahalagang pahayag na ito sa kombensiyong malapit sa iyong tahanan. Makipag-ugnayan sa mga Saksi ni Jehova sa iyong lugar, o sumulat sa mga tagapaglathala ng magasing ito para sa lugar ng kombensiyon na pinakamalapit sa iyo.