“Kailangan Ko ng Pampatibay-loob at Pag-asa”
Nadama mo na ba ang ganiyan? Nangyayari sa maraming tao sa ngayon ang ganiyang bagay. Isang babae mula sa Fort Smith, Arkansas, ang sumulat sa pandaigdig na punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn, New York, at ganito ang sabi:
“Ang inyong aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-hanggan ay talagang nakapagtuturo at nakapagpapasigla. Binasa ko ito nang buung-buo sa loob lamang ng dalawang araw. Nagbigay ito sa akin ng pag-asa na hindi na magtatagal at ang ipinangakong bagong sanlibutan sa ilalim ng pamamahala ni Jesu-Kristo ay darating na. Inaasam-asam ko ang araw na iyon.
“Hanggang sa araw na iyon, makikipagpunyagi ako upang makaligtas sa daigdig na ito, anupat maghihintay na maganap iyon. Nasisiraan ako ng loob sa makamundo, nakababagot, at walang kabuluhang buhay na ito. Kailangan ko ng pampatibay-loob at pag-asa. Sinabi ninyo na sa pamamagitan ng inyong organisasyon ay maaari kaming magkaroon ng libreng pantahanang pag-aaral sa Bibliya kung kami’y interesado. Maaari bang pakisabi sa akin kung ano ang kailangan kong gawin upang magkaroon nito? Sa palagay ko ay mapatitibay ang aking loob ng pantahanang pag-aaral na ito sa Bibliya.”
Kung ibig ninyong makatanggap ng isang kopya ng aklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Walang-hanggan o ibig ninyong may magdaos sa inyo ng pantahanang pag-aaral sa Bibliya, pakisuyong sumulat sa Watch Tower, P.O. Box 2044, 1060 Manila, o sa direksiyon na pinakamalapit sa inyo na nakatala sa pahina 5.