Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g01 12/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2001
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1991
  • Maaari Nilang Nakawin ang Pagkakakilanlan sa Iyo!
    Gumising!—2001
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—2001
g01 12/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mga Estadistika sa Pang-aalipin Nayayamot ako sa pangungusap na binanggit sa balita sa “Pagmamasid sa Daigdig” na pinamagatang “Ang Pinakamabilis Lumaking Negosyo ng Krimen.” (Disyembre 22, 2000) Binabanggit ng balita na 11.5 milyong alipin ang kinuha mula sa Aprika sa loob ng 400 taon ng pang-aalipin. Ang pang-aalipin ay nagtapos sa Estados Unidos noong 1865. Ibabalik kayo ng apat na raang taon sa taóng 1465​—matagal na matagal pa bago naitatag ang kolonya ng Jamestown!

M. B., Estados Unidos

Ayon sa “Encyclopædia Britannica,” ang pagdadala sa mga aliping taga-Aprika ay nagsimula “kasing-aga ng dekada ng 1450.” Sinasabi ng mga istoryador na ang dinukot na mga taga-Aprika ay dinala sa mga taniman sa mga isla sa Atlantiko matagal na matagal pa bago umabot ang pangangalakal ng mga alipin sa Caribbean at sa Estados Unidos.​—ED.

Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan Binasa ko ang inyong artikulong “Maaari Nilang Nakawin ang Pagkakakilanlan sa Iyo!” (Marso 22, 2001) taglay ang personal na interes. May nagnakaw ng aking checking account number, gumawa ng palsipikadong mga tseke, at gumastos nang halos $800! Gumugol ako ng maraming panahon upang maiayos ang situwasyon​—pagsasara sa account, pagbubukas ng bago, at pagbibigay ng report sa pulisya. Natutuhan kong maging maingat sa pagbibigay ng personal na impormasyon.

D. S., Estados Unidos

Naglakbay ang asawa ko dahil sa negosyo at ninakaw ang kaniyang portpolyo kasama ang lahat ng aming credit card at libreta ng tseke. Sinabi ng artikulo hinggil sa pagnanakaw ng pagkakakilanlan ang eksakto naming gagawin kung paano haharapin ang mga bagay-bagay, kalakip na ang pagtawag sa mga departamento ng mga kawanihan ng aming lokal na credit card laban sa pandaraya. Pinigilan nito ang mga magnanakaw na higit na mangutang sa pamamagitan ng aming account. Hindi ko kailanman maiisip na gawin ang gayon sa ganang sarili ko lamang.

H. C., Estados Unidos

Ang Araw Madalas kong pinasasalamatan si Jehova dahil sa araw, sa buwan, at sa ating magandang lupa, ngunit karaniwan nang hindi ko gaanong pinag-iisipan ang mga bagay na ito. Pagkatapos basahin ang artikulong “Ang Namumukod-Tanging Katangian ng Ating Araw” (Marso 22, 2001), napakilos akong manalangin nang taos-puso, na nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kaniyang bukas-palad at walang-katumbas na mga kaloob.

B. P., Estados Unidos

Ako po ay siyam na taóng gulang, at nais ko po kayong pasalamatan sa pagsusulat ng mga artikulong talagang kawili-wili​—tulad nito na hinggil sa araw. Talagang marami po akong natututuhan kapag binabasa ko ang Gumising!

A. B., Estados Unidos

Buhok Nagtatrabaho ako bilang isang hairdresser, at nang mabasa ko ang artikulong “Isang Malapitang Pagsisiyasat sa Iyong Buhok” (Abril 8, 2001), nalugod ako. Binigyan ko ng isang kopya ang aking amo. Namangha siya at ibinigay ito sa iba pang mga babae sa trabaho. Salamat sa praktikal na impormasyong iyon.

D. L., Romania

Salamat sa talababa na bumabanggit sa isang nakalipas na artikulo, “Alopecia​—Pananahimik Dahil sa Pagkalugas ng Buhok.” (Abril 22, 1991) Sa loob ng 17 taon ay namumuhay ako taglay ang problemang ito. Sa isang daigdig kung saan ang tanging bagay na mahalaga ay ang hitsura at kung saan ang sinumang naiiba ay itinatakwil, nakapagpapasiglang malaman na taglay ko ang suporta ni Jehova at ng kaniyang organisasyon.

M. G., Italya

Salaysay ng Eskultor Naglilingkod ako bilang isang naglalakbay na tagapangasiwa ng mga Saksi ni Jehova, at may kilala akong isang pamilya kung saan ang ama ay hindi kailanman gaanong sumulong bilang isang Kristiyano. Mabuti siyang tao, ngunit may libangan siya na gumawa ng mga modelong eroplanong pandigma. Nakikibahagi siya sa digmaan ng mga eroplano sa kaniyang computer at gumugugol ng maraming oras sa pamamaril ng mga kalabang eroplanong pandigma. Sinisikap naming tulungan siya na makita ang pangangailangan na baguhin ang kaniyang saloobin hinggil sa digmaan. Ngayon ay taglay namin ang mahusay na salaysay na ito hinggil kay Dorothy Horle na pinamagatang “Niluluwalhati ang Kapayapaan sa Halip na Digmaan.” (Abril 8, 2001) Balak kong ibahagi ang artikulong ito sa kaniya.

P. P., Dominican Republic

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share