Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 4/22 p. 31
  • Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Malabong Paningin ng Jumping Spider
    Gumising!—2013
  • Gagamba
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • May Dahon sa Bahay-Gagamba!
    Gumising!—2002
  • Pagkatuto Mula sa mga Gagamba
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 4/22 p. 31

Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam

MAY isang maliit na gagamba na gumagapang sa punso at nagkukunwang naninirahang kasama ng mga kaaway nito. Upang hindi mahalata, nagpapalit ito ng anyo at paggawi upang hindi mapansin. Ito’y mahalaga dahil kapag nabulabog ang mga ito, maaaring maging napakarahas ng mga langgam. Yamang naiiba ang katawan ng gagamba mula sa langgam, hindi ito madali.

Ang langgam ay may anim na paa at dalawang antena, samantalang ang gagamba ay may walong paa at walang antena. Kaya paano nagagawa ng gagamba na magmukhang langgam? Buweno, ito’y nagpaparoo’t parito sa punso sa anim na paa, at pinauusli nito ang dalawa pang paa para magmukha itong mga antena.

Isa pa, kapani-paniwala ang pagpapagalaw ng gagamba sa kunwaring mga antena nito. Iwinawagayway nito ang mga antena sa paraang mapagkakamalan ang mga ito na antena ng mga langgam. Natutularan pa nga ng haring ito ng pagbabalatkayo ang pakislut-kislot at paliku-likong paglalakad ng mga langgam!

Sinisikap ng gagamba na matularan nang husto ang langgam sa lahat ng paraan, yamang mahalaga para sa kaligtasan nito ang makilala bilang isang naninirahan sa punso. Sa loob ng punso nakatatanggap ng proteksiyon ang gagamba mula sa likas na mga kaaway nito, kasali na ang mga spider wasp. Hindi rin ito kinakain ng mga songbird, na itinuturing ang gagamba na masarap na pagkain. Nalilinlang din ang mga gagamba na nanghuhuli ng ibang mga gagamba dahil sa “mga antena” ng nagbabalatkayo.

Subalit, kapag sinalakay ng isang ibon, tukô, o iba pang nilalang ang lugar ng mga langgam, agad-agad na nagbabalik ang gagamba sa totoong anyo nito at tumatakas. Mas malinaw ang paningin ng mga gagamba kaysa sa mga langgam, at ang mga ito’y maaaring tumalon, samantalang hindi ito nagagawa ng mga langgam​—ang lahat ng ito ang nagpapadali para makatakas ang mga ito.

Kapag araw, ginagawa ng gagamba ang lahat para hindi mahalata sa loob ng punso. Gayunman, kapag gabi napakaaktibo nito at nanghuhuli ng mga langgam sa loob mismo ng punso na ginawa nitong tahanan niya! Kapag natuklasan ang ginagawa ng gagamba, ginagamit nito ang walong paa niya at dagling tumatakas.

Maaaring samahan ng babaing gagamba ang lalaking gagamba sa loob ng punso. Hindi lamang nagpapakita ang babaing gagamba ng katapatan sa kaniyang kabiyak kundi ito’y matalino rin naman. Gumagawa ito ng sapot sa loob ng punso, na nag-iingat hindi lamang sa kaniyang kabiyak kundi pati na rin sa kaniyang mga itlog.

Walang alinlangan, napakaraming matututuhan tungkol sa gagambang ito. Subalit, gayundin ang masasabi hinggil sa karamihan ng iba pang mga uri ng hayop sa lupa. Kayganda na matuto nang higit pa sa hinaharap tungkol sa kahanga-hangang mga paglalang ng Diyos!

[Larawan sa pahina 31]

Isang gagamba na nasa pagitan ng dalawang langgam

[Credit Line]

Bill Beatty

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share