Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Gagamba”
  • Gagamba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Gagamba
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • May Dahon sa Bahay-Gagamba!
    Gumising!—2002
  • Ang Sekreto ng Sapot ng House Spider
    Gumising!—2014
  • Isang Gagamba na Nagbabalatkayong Isang Langgam
    Gumising!—2002
  • Pagkatuto Mula sa mga Gagamba
    Gumising!—1992
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Gagamba”

GAGAMBA

[sa Heb., ʽak·ka·vishʹ; sa Ingles, spider].

Isang maliit na hayop na walo ang paa at walang pakpak, at ayon sa istriktong biyolohikong katuturan ay hindi isang insekto kundi isang arachnid.

Karamihan sa mga gagamba ay naghahabi ng mga sapot para makahuli ng biktima. Karaniwan na, mayroon silang tatlong pares ng spinneret, o mga sangkap sa paghahabi, na nasa ilalim ng tiyan sa bandang hulihan. Sa pamamagitan ng maraming pagkaliliit na tubo, ang mga spinneret ay konektado sa mga glandula ng sapot na nasa loob ng katawan ng gagamba. Habang ang likidong sutla ay pinalalabas sa mga spinneret, tumitigas ito at nagiging manipis na hibla ng sutla. Kung pagtatabi-tabihin ng gagamba ang mga spinneret nito, makagagawa siya ng isang makapal na hibla. Maraming maninipis na hibla naman ang mabubuo kapag pinaglayu-layo niya ang mga sangkap sa paghahabi.

Bagaman ang mga sapot ay nagkakaiba-iba depende sa uri ng gagamba, maganda ang simetriya at masalimuot ang disenyo ng mga ito. Sa magkakasinlayong distansiya sa mga hibla ng sapot ay may mga patak ng pandikit na gawa rin ng gagamba. Matapos itong maglagay ng isang hibla sa pagitan ng dalawang rayos at mapahiran iyon ng pandikit, binabatak ng gagamba ang hibla at saka hinahayaan itong pumitik pabalik. Dahil dito ay pantay-pantay ang pagitan ng maliliit na patak ng pandikit. Ang malagkit na hibla ang nagsisilbing bitag sa mga biktima ng gagamba.

Binanggit ang gagamba sa makatalinghagang mga tagpo sa dalawang paglitaw nito sa Kasulatan. Noong kausap niya si Job, tinukoy ni Bildad ang isang apostata bilang isa na nagtitiwala o sumasandig sa “bahay ng gagamba,” o sapot, isang bagay na napakarupok anupat hindi siya masusuportahan sa kaniyang pagtayo. (Job 8:14, 15) Inihalintulad naman sa paghahabi ng sapot ng gagamba ang nakasasakit at marahas na mga gawa ng di-tapat na mga Israelita. Gayunman, hindi maipantatakip ng gayong mga taong di-tapat ang kanilang mga gawa sa kanilang sarili, kung paanong ang isang sapot ay hindi angkop na gawing kasuutan.​—Isa 59:5, 6.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share