Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/22 p. 31
  • “Sakdal na Liwanag”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Sakdal na Liwanag”
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Malamig na Liwanag ng Alitaptap
    Gumising!—2010
  • Ang Ilaw ng Alitaptap na Photuris
    Gumising!—2014
  • Liwanag, Tanglaw
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Sundin ang Liwanag ng Sanlibutan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 9/22 p. 31

“Sakdal na Liwanag”

KUNG nakahawak ka na ng isang bombilyang matagal-tagal nang nakabukas, alam mong napakainit nito. Ang init na galing sa bombilya ay mula sa nasasayang na enerhiya. Sampung porsiyento lamang ng enerhiya nito ang naibibigay ng isang pangkaraniwang bombilya bilang liwanag, samantalang ang 90 porsiyento nito ay nasasayang lamang bilang init. Bilang paghahambing, ang napakaliit na insektong gumagawa ng liwanag na tinatawag na alitaptap (tingnan sa itaas, pinalaki) ay halos 100 porsiyento na mas matipid.

Bahagyang-bahagya lamang ang nasasayang na enerhiya ng mga alitaptap bilang init anupat ang liwanag na nagagawa nito ay tinaguriang “sakdal na liwanag.” Paano nila ito nagagawa? Ang tiyan ng alitaptap ay nagtataglay ng isang organikong sangkap na kilala bilang luciferin. Kapag pumasok ang oksiheno sa tiyan sa pamamagitan ng isang tubo na tinatawag na abdominal trachea, humahalo ito sa luciferin, at ang ibinubungang kemikal na reaksiyon ay nagbibigay ng kulay na mapusyaw na dilaw hanggang sa mamula-mulang berdeng liwanag.

Ang mga selula na lumilikha ng liwanag ng alitaptap ay mayroon ding mga uric acid na kristal, na tumutulong upang pasinagin ang liwanag na nagmumula sa tiyan ng insekto. Sinasabi ng mga siyentipiko na ginagamit ng mga alitaptap ang kanilang liwanag upang akitin ang kanilang mga kapareha at na ang iba’t ibang uri ng alitaptap ay nagpapasinag ng liwanag sa iba‘t ibang anyo at ritmo.

Hindi ka ba sasang-ayon na ang pagkakalikha sa pagkaliliit na kinapal na ito ay nagbibigay ng kapurihan sa Maylalang ng mga ito, ang Diyos na Jehova? Oo, gaya ng sinabi ng salmista, “ang bawat bagay na may hininga​—purihin nito si Jah.”​—Awit 150:6.

[Picture Credit Line sa pahina 31]

© Darwin Dale/Photo Researchers, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share