Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 9/22 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Kea—Payaso ng Kabundukan
    Gumising!—2002
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2002
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2002
  • Puwedeng Maging Masaya ang Pamilya Mo
    Ano ang Itinuturo sa Atin ng Bibliya?
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 9/22 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Araw ng Kasal Gustung-gusto ko ang seryeng itinampok sa pabalat na “Ang Araw ng Kasal​—Gawin Itong Masayang Pasimula.” (Pebrero 8, 2002) Simula pa sa aking pagkabata, inihahanda ko na ang aking isip para sa mahalagang hakbang ng pag-aasawa. Natulungan ako ng mga artikulong ito na maunawaan kung paano maghahanda nang hindi dumaranas ng kaigtingan na karaniwan sa maraming kabataang magkasintahan at gayundin kung paano mapananatiling maligaya ang pagsasama. Pakisuyong patuloy ninyong bigyang-pansin kaming mga nagsisikap na gawin kung ano ang nais ni Jehova mula sa kaniyang mga lingkod.

F. C., Italya

Lagi akong namamangha kung paano naglalaan si Jehova ng patnubay kung kailan kailangang-kailangan ko ito. Kalakip dito ang labas ng Pebrero 8, 2002, ng Gumising! Sa nakalipas na mga buwan, kami ng nobyo ko ay nagpaplano ng aming kasal, at nakadarama na kami ng tensiyon. Ipinaalaala sa amin ng panimulang mga artikulo na ang mga buwang ito ng pagpaplano ay talagang kapana-panabik at na ang pagkabalisa ay nagdudulot lamang ng dalamhati.

H. M., Australia

Ipinahihiwatig ng pahina 10 ng inyong seryeng itinampok sa pabalat na katanggap-tanggap para sa isang asawang lalaki na iwan ang sambahayan kung naniniwala siyang may mga makatuwirang dahilan siya para makipaghiwalay. Wala kaming masumpungan ng misis ko mula sa Bibliya na umaalalay rito. Sa katunayan, ipinakikita ng Bibliya ang kabaligtaran​—maaaring umalis ang asawang babae, subalit kailangang manatili ang asawang lalaki. Sinasabi ng Genesis 2:24 na ang lalaki ay dapat ‘pumisan sa kaniyang asawa.’ At ang 1 Corinto 7:11 ay nagsasabi, “kung talaga ngang hihiwalay siya (ang babae),” subalit idinagdag pa ng talata, “hindi dapat iwan ng asawang lalaki ang kaniyang asawa.”

K. L., Australia

Sagot ng “Gumising!”: Ang Genesis 2:24 ay dapat isaalang-alang ayon sa konteksto nito. Ang utos ng Diyos na nakatala roon ay hindi ibinigay bilang isang tagubilin may kinalaman sa posibleng paghihiwalay. Maliwanag na ipinakikita ng liham ni Pablo sa mga taga-Corinto na lubhang pinahahalagahan ni Jehova ang pag-aasawa, at dapat gawin ng mag-asawa ang lahat upang mapanatili ang kanilang pagsasama. Gayunman, lumilitaw na hindi intensiyon ni Pablo na lumikha ng dalawang pamantayan​—isa para sa asawang babae at isa naman para sa asawang lalaki. Hinihimok ng mga talata 10 at 11 kapuwa ang asawang lalaki at babae na huwag maghiwalay, hangga’t maaari. Makatuwiran kung gayon, kung ano ang kapit sa asawang babae ay kapit din sa asawang lalaki.

Kea Nakatutuwang basahin ang artikulong “Kea​—Payaso ng Kabundukan” (Pebrero 8, 2002) anupat hindi ko mapigil na tumawa nang malakas. Talaga ngang isang maligayang Diyos si Jehova! Tanging ang isang tunay na maibiging Maylalang ang makapagdudulot ng labis na kaluguran sa buhay ng mga tao. Inaasam ko ang araw na personal kong makikilala ang nakatutuwang ibon na ito, ang kea. Maraming-maraming salamat hindi lamang sa artikulong ito kundi sa maraming iba pang kawili-wili at nakapagpapatibay-pananampalatayang mga artikulong inyong isinusulat.

R. R., Alemanya

Hindi pa natatagalan pagkatapos akong iwan ng aking asawang lalaki, natanggap ko ang Pebrero 8, 2002 na Gumising! Ang pabalat na araw ng kasal ay talagang napakasakit para sa akin na tanggapin. Naisip ko, ‘Bakit ba kaming mag-asawa ay hindi maging maligaya na gaya ng mag-asawa sa pabalat?’ Subalit, nang mabasa ko ang artikulo tungkol sa kea sa magasin ding iyon, tumawa ako nang malakas. Hindi ko alam na mayroon palang gayon kagandang ibon! Naginhawahan ako. Para bang pinalalakas ako ni Jehova, na sinasabi: “Masiyahan ka sa buhay!” Maraming-maraming salamat.

M. Y., Hapon

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share