Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 11/22 p. 31
  • Kagila-gilalas na Tuklas sa Mata

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kagila-gilalas na Tuklas sa Mata
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Ilan ba Talaga ang Ating mga Pandamdam?
    Gumising!—2003
  • Nagdudulot ng Mas Mahimbing na Pagtulog ang Mas Maaliwalas na mga Araw
    Gumising!—2002
  • Tamang Paggamit ng Visual Aid
    Maging Mahusay sa Pagbabasa at Pagtuturo
  • Ang Mata—“Kinaiinggitan ng mga Siyentipiko sa Computer”
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 11/22 p. 31

Kagila-gilalas na Tuklas sa Mata

MALAON nang alam ng mga siyentipiko na ang mga mata ng mga mamal ay nagtataglay ng mga neuron na tumutugon sa liwanag at panloob na orasan ng katawan. Malaon nang ipinalalagay na ang pagkakitang ito ng liwanag ay ginagawa ng kilalang mga selula ng mata na tinatawag na mga rod at cone. Subalit noong 1999, ang babasahing Science ay nag-ulat na natuklasan ng mga mananaliksik na “ang mga dagang nagbago ng anyo sanhi ng mutasyon na walang mga rod at cone [at sa gayo’y mga bulag] ay may mga orasan pa rin na tumutugon sa liwanag.” Naghinuha ang mga mananaliksik na “ang ibang selula sa mata ay nakakakita ng liwanag.”

Natuklasan na ngayon ang mahirap makilalang mga sensor na ito ng liwanag. Bagaman napapasama ito sa mga rod at cone na bumubuo ng larawan, ang mga sensor ay bumubuo ng “isang hiwalay na visual circuit, na kasabay na kumikilos ng sistema ng paningin na bumubuo ng larawan,” ang paliwanag ng Science. Kabilang sa bagong tuklas na mga ginagawa ng visual circuit ang pagkontrol sa laki ng balintataw at sa paglabas ng melatonin, anupat pinagtutugma ang orasan ng katawan sa siklo ng liwanag at dilim, at iba pang mga gawain. Maaari pa nga itong gumanap ng bahagi sa pagbabago ng kondisyon.

Kapansin-pansin, ang mga sensor ng liwanag ay hindi tumutugon sa maiikling sinag ng liwanag, upang hindi malito ang panloob na orasan ng katawan, subalit tumutugon lamang ito sa mas matatagal at matitinding antas ng liwanag. Inilarawan ng isang siyentipiko ang tuklas bilang “kagila-gilalas,” na idinaragdag pa na “ito ang pinakamahalagang pag-unlad hanggang sa ngayon may kinalaman sa kung ano ang photoreceptor sa mga mamal.”

Maliwanag, habang mas marami tayong natututuhan tungkol sa buhay, lalo nating nakikita ang katibayan ng kadalasa’y mahirap maunawaan, gayunma’y talagang matalinong disenyo. Ang gayong kaunawaan ay umaantig sa marami na ulitin ang mga salita ng papuri sa Maylalang na nasa Bibliya: “Pupurihin kita sapagkat sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-mangha ang pagkakagawa sa akin. Ang iyong mga gawa ay kamangha-mangha, gaya ng lubos na nababatid ng aking kaluluwa.”​—Awit 139:14.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share