Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 2/22 p. 21
  • ‘Basurang’ DNA?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Basurang’ DNA?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Pag-isipan ang Ebidensiya
    Gumising!—2011
  • DNA—Ang Aklat ng Buhay!
    Gumising!—2015
  • Maliit Ngunit Mahahalagang Himaton
    Gumising!—1989
  • Ang Storage Capacity ng DNA
    Gumising!—2013
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 2/22 p. 21

‘Basurang’ DNA?

ANG saligan ng maraming mananaliksik sa pag-aaral ng biyolohiya, henetika, at ng iba pang kaugnay na mga paksa ay ang teoriya ng ebolusyon. Kadalasan, inaakay sila ng ganitong pananaw sa maling mga konklusyon. Halimbawa, itinuring ng sinaunang mga Darwinista na bakas lamang ng proseso ng ebolusyon ang ilang sangkap ng katawan, gaya ng apendiks, pituitary gland, at tonsil dahil waring wala namang silbi ang mga sangkap na ito. Gayunman, natuklasan nang maglaon ang mahalagang papel ng mga sangkap na ito. Kaya kinailangang baguhin ng mga ebolusyonista ang kanilang dating mga pananaw.

Ganito rin ang nangyari kamakailan sa larangan ng henetika. Ipinahiwatig ng naunang mga pananaliksik na walang silbi ang halos 98 porsiyento ng DNA ng tao at ng iba pang organismo. Kaya naman, marami sa naimpluwensiyahan ng teoriya ng ebolusyon ang nag-akala na ang DNA na ito ay “basura ng ebolusyon”​—isang opinyon na kaagad namang pinaniwalaan ng maraming tao.

Gayunman, muling napatunayan na mali ang opinyong ito na nakasalig sa Darwinismo. Kamakailan, natuklasan ng mga siyentipiko na may ginagampanang mahalagang papel sa katawan ang mga ‘basurang’ DNA dahil naglalabas ito ng pantanging mga uri ng RNA (ribonucleic acid) na mahalaga sa buhay. Ayon kay John S. Mattick, direktor ng Institute for Molecular Bioscience sa University of Queensland sa Australia, ang padalus-dalos na pagtanggap sa teoriya ng ‘basurang’ DNA ay “isang tipikal na halimbawa kung paano maaaring maapektuhan ng kilalang opinyon ang walang-kinikilingang pagsusuri sa mga bagay-bagay, na sa kasong ito ay tumagal nang 25 taon.” Idinagdag pa niya na ang kabiguang ito ay “malamang na maalaala bilang isa sa pinakamalalaking pagkakamali sa kasaysayan ng molecular biology.”

Hindi kaya mas matalinong isipin na may dalubhasang Disenyador ang DNA? Natatanto ng mga taong may gayong pananaw na kadalasan nang natutuklasan din sa kalaunan ang mga dahilan ng masalimuot na mga pitak ng paglalang ng Diyos. At sa halip na masiphayo, napupuspos sila ng higit pang pagkamangha dahil sa gayong mga tuklas.​—Kawikaan 1:7; Eclesiastes 3:11.

[Picture Credit Lines sa pahina 21]

DNA: Larawan: www.comstock.com; mananaliksik: Agricultural Research Service, USDA

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share