Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 3/22 p. 11
  • Mga Bundok—Sino ang Magliligtas sa mga Ito?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Bundok—Sino ang Magliligtas sa mga Ito?
  • Gumising!—2005
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Pagmamalasakit ng Diyos sa Kaniyang mga Nilalang
  • Mga Bundok—Kung Bakit Natin Kailangan ang mga Ito
    Gumising!—2005
  • Bundok
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • ‘Ikaw ay Mas Maringal Kaysa sa mga Bundok’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Mga Bundok Nanganganib
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 3/22 p. 11

Mga Bundok​—Sino ang Magliligtas sa mga Ito?

SA LOOB ng apat na araw noong 2002, idinaos sa Bishkek sa Kyrgyzstan (sentral Asia) ang Global Mountain Summit. Ito ang kauna-unahang internasyonal na pagpupulong na tumalakay sa mga usaping hinggil sa mga bundok. Umaasa ang mga tagapagtaguyod nito na ang 2002 “ang pasimula ng isang bagong panahon, isa na kikilala sa tunay na kahalagahan ng mga bundok.”

Nagkakaisang pinagtibay ng mga nagpulong ang “Bishkek Mountain Platform,” na naglalaman ng mga panuntunan para sa sinumang nagmamalasakit upang maingatan ang mga bundok. Binanggit na tunguhin nitong “paunlarin ang kabuhayan ng mga tagabundok, protektahan ang ekosistema ng mga bundok at gamitin ang likas na yaman ng mga bundok sa mas matalinong paraan.”

May ginawa nang ilang pagsulong. Ang pandaigdig na sistema ng pambansang mga parke ay naglaan ng proteksiyon sa mga lugar na may natatanging kagandahan at pagkasari-sari ng buhay. Sa maraming bahagi ng daigdig, ang mga grupong tagapangalaga ay bahagyang nagtagumpay upang hadlangan ang pagsira sa kapaligiran. Ang isang ideya na nanggaling sa Mountain Summit sa Bishkek ay ang matibay na kasunduang alisin ang basurang nuklear na itinambak sa mga bundok ng Kyrgyzstan. Isinasapanganib ng lubhang nakalalasong materyal na ito ang suplay ng tubig para sa 20 porsiyento ng mga tao sa sentral Asia.

Gayunman, napakahirap pa ring ipagsanggalang ang mga bundok sa daigdig. Halimbawa, noong 1995, binuo ng mga awtoridad sa Canada ang “Forest Practices Code” upang ipagsanggalang ang natitirang maulang kagubatan sa British Columbia. Subalit isiniwalat ng kasunod na pagsisiyasat na sa pangkalahatan ay ipinagwalang-bahala ng mga kompanyang nagtotroso ang kodigong ito at patuloy na sinaid ang mga punungkahoy maging yaong nasa matatarik na dalisdis. Niluwagan ang pagpapatupad sa kodigo noong 1997, dahil inangkin ng industriya ng pagtotroso na masyado itong mahigpit.

Hindi lamang kapakanang pangkomersiyo ang nagiging hadlang. Kinilala sa huling pahayag sa Bishkek Summit na ang digmaan, karalitaan, at gutom ay pawang mga sanhi ng walang-tigil na pagkasira ng ekosistema ng mga bundok. Ang mga bundok, pati na ang iba pang nasa lupa, ay patuloy na magdurusa hangga’t hindi nagwawakas ang lahat ng mga sanhing ito ng pagkasira ng mga tahanang dako.

Ang Pagmamalasakit ng Diyos sa Kaniyang mga Nilalang

Sa kabila ng nakalulungkot na situwasyong ito, may dahilan tayo para umasa. Alam ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ang nangyayari sa kaniyang mga nilalang. Inilalarawan siya sa Bibliya bilang Isa na “nagmamay-ari ng mga taluktok ng mga bundok.” (Awit 95:4) Nagmamalasakit din siya sa mga hayop na nasa mga bundok. Ayon sa Awit 50:10, 11, sinabi ni Jehova: “Akin ang bawat mailap na hayop sa kagubatan, ang mga hayop sa ibabaw ng isang libong bundok. Nakikilala kong lubos ang bawat may-pakpak na nilalang sa mga bundok, at ang makakapal na kawan ng mga hayop sa malawak na parang ay nasa akin.”

May paraan ba ang Diyos para iligtas ang naliligalig na kapaligiran sa daigdig? Oo, mayroon! Sinasabi ng Bibliya na ‘nagtatag siya ng isang kaharian na hindi magigiba kailanman.’ (Daniel 2:44) May pantanging interes si Jesu-Kristo, ang hinirang na Tagapamahala ng makalangit na pamahalaang ito, sa lupa at sa mga taong nakatira rito. (Kawikaan 8:31) Itatatag ng kaniyang pamamahala ang kapayapaan sa lupa, wawakasan ang lahat ng pagsasamantala, at aalisin ang pinsalang ginawa sa lupa.​—Apocalipsis 11:18.

Kung inaasam-asam mo ang gayong solusyon, walang alinlangan na patuloy mong ipananalangin na ‘dumating nawa ang kaharian ng Diyos.’ (Mateo 6:9, 10) Tiyak na sasagutin ang gayong mga panalangin. Di-magtatagal at wawakasan ng Kaharian ng Diyos ang kawalang-katarungan at aalisin ang pinsalang nalikha sa lupa. Kapag nangyari ito, ang mga bundok mismo ay makasagisag na ‘hihiyaw nang may kagalakan.’​—Awit 98:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share