Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/8 p. 15
  • Isang Bagong Tahanan Para sa Nasaktang Maya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Bagong Tahanan Para sa Nasaktang Maya
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Maya—Kaibigan o Kaaway?
    Gumising!—1991
  • Ang Hiwaga Tungkol sa mga Maya ng Britanya
    Gumising!—2001
  • Maya
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Maya
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 5/8 p. 15

Isang Bagong Tahanan Para sa Nasaktang Maya

“KULANG pa ba ang trabaho natin dito?” Iyan ang aking unang reaksiyon nang iuwi ng aking asawa ang isang maliit na ibong maya na nahulog mula sa pugad nito. Nang pagmasdan ko ang nanginginig na ibon, halos matunaw ang puso ko. Subalit hindi ko pa rin maubos-maisip kung paano pa mabubuhay ang mahinang kinapal na ito.a

Noong una, kinailangan pa muna naming amu-amuin ang maya na kumain ng katiting na dinurog na pagkain. Pero kinabukasan, regular nang sumisiyap ang maliit na maya para pakanin ito. Maririnig pa nga itong sumisiyap sa may hagdan, hanggang sa dalawahang pinto ng aming apartment!

Malamang na babae ang aming maya dahil sa balahibo nito. Nang maglaon, bumalik na ang lakas nito at nakalilipad na. Pero ayaw nitong lumipad palabas sa kabila ng aming pagsisikap! ‘Baka natatakot itong umalis ng bahay,’ naisip namin. Kaya bumili na lamang kami ng hawla at inalagaan namin ang maliit na maya. Tinawag namin itong “Spatzi,” mapagmahal na anyo ng salitang Aleman na nangangahulugang “maya.”

Isang araw, nagsaing kami, na waring isa sa mga paboritong pagkain ni Spatzi. Dahil mainit pa ito, itinabi muna ito ng aking asawa at nagsabog muna ng ilang binutil sa harapan ni Spatzi. Ang reaksiyon ng aming ibon? Ipinaling nito ang ulo at pagkatapos ay itinulak ng tuka nito ang mga butil hanggang sa mahulog sa mesa! Sa gulat namin, nagkatinginan kaming mag-asawa at napatawa. Dali-dali kaming naglagay ng kaunting malamig na kanin sa harapan ni Spatzi, na sa wari’y siyang-siya naman dito!

Ang pag-aalaga sa nakatutuwang maliit na ibong ito ay nagpaalaala sa amin sa sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama.” Pagkatapos ay sinabi sa kanila ni Jesus: “Huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya.”​—Mateo 10:29-31.

Napakalaki ngang kaaliwang malaman na nakikita ni Jehova ang ating pamimighati at naaalaala ang ating pagbabata. (Isaias 63:9; Hebreo 6:10) Oo, ang pagkahabag na nadarama natin sa isang maliit na ibon ay pahiwatig lamang ng pag-ibig ng Diyos na Jehova sa mga naglilingkod sa kaniya!​—Ipinadala.

[Talababa]

a Sa ilang kaso, maaaring mapanganib sa kalusugan o paglabag sa lokal na mga ordinansa ang pag-aalaga ng may-sakit o nasaktang ibon.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share