Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/8 p. 30
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
  • “Minsang Magkaroon Ka Nito, Maaari Itong Maulit”
    Gumising!—2004
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2004
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 5/8 p. 30

Mula sa Aming mga Mambabasa

Pandaraya Gusto kong ipaalam sa inyo kung gaano kalaki ang pasasalamat ko sa seryeng “Ipagsanggalang ang Iyong Sarili Mula sa Pandaraya.” (Hulyo 22, 2004) May maliit akong negosyo sa aming tahanan, at naging biktima ako ng pandaraya. Ang nadama ko ay kagayang-kagaya ng inilarawan sa seryeng ito​—kahihiyan at paninisi sa sarili dahil sa labis na kamangmangan. Ginawa ko ang mismong ipinayo sa seryeng ito. Inamin ko ang aking pagkakamali, nanalangin ako kay Jehova, at nakipag-usap sa isang elder na kaibigan ko. Sa tulong ng mga artikulong ito, nagawa kong kalimutan ang bagay na ito. Kaylaki ngang ginhawa!

T. G., Estados Unidos

Pakikipagtalik Bago ang Kasal Isang tulong na nagpapalakas sa akin ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ano Naman ang Masama sa Pakikipagtalik Bago ang Kasal?” (Hulyo 22, 2004) Ang kaisipang ipinahayag ng mga kabataang sinipi sa artikulo ay kagaya ng mga naiisip ko. Ang mga salita na talagang nakaantig sa akin ay ang binabanggit sa Awit 84:11, na nagsasabi sa atin na hindi ipagkakait ni Jehova ang anumang mabuti sa mga lumalakad sa kawalang-pagkukulang.

T. U., Alemanya

Bilang isang kabataan, sinikap kong gawin ang aking buong makakaya na manatiling malinis sa paningin ni Jehova, subalit napakahirap nito kung minsan. Pinanumbalik ng artikulong ito ang aking determinasyon at ipinaalaala nito sa akin na hindi lamang ako ang napapaharap sa mga panggigipit mula sa sanlibutan ni Satanas. Talagang nakapagpapatibay malaman na lubhang nagmamalasakit si Jehova sa mga kabataan.

F. B., Botswana

Hitsura Gusto kong magpasalamat sa artikulong “Kapag ang Pag-aalala sa Hitsura ay Naging Obsesyon.” (Hulyo 22, 2004) Ako po ay 21 taóng gulang, at talagang asiwang-asiwa ako noon dahil mas malaki ako kaysa sa iba. Ngayon ay gusto kong ingatan ang kagandahan ng panloob na pagkatao. Para bang isinulat para sa akin ang artikulong ito!

N. U., Hapon

Nakalulungkot, pinaniniwala tayo sa ngayon na kailangan tayong magkaroon ng napakagandang katawan. Kung minsan ay para itong pakikipaglaban, at madalas akong nanlulumo dahil hindi ako nagtatagumpay. Ngunit gusto kong sumulong pa, at napakalaking tulong ng artikulong ito!

D. P., Alemanya

Post-Polio Syndrome (PPS) Salamat sa karanasan ni Jack Meintsma sa artikulong “Minsang Magkaroon Ka Nito, Maaari Itong Maulit.” (Hulyo 22, 2004) Dalawampu’t tatlong taon na akong may polyarthritis subalit ang mga sintomas nito ay kagaya ng binanggit sa artikulo. Gusto kong pasalamatan si Brother Meintsma sa ibinigay niyang impormasyon hinggil sa nakatutulong na mga kasangkapan at tungkol sa hindi masyadong paggamit ng apektadong mga kalamnan.

U. K., Austria

Nagkaroon ako ng polio nang ako’y dalawa’t kalahating taóng gulang at ng PPS sa edad na 25. Hindi pamilyar ang mga doktor sa syndrome na ito, at hirap na hirap silang tukuyin ang sakit na ito. Bago ko mabasa ang artikulo, wala pa akong nasumpungang gayon kakomprehensibong impormasyon hinggil sa paksang ito.

J. E., Pransiya

Nagkaroon ng poliomyelitis ang aking ina nang siya’y anim na taóng gulang. Ang tumpak na paglalarawan sa sakit na ito ay nakatulong sa akin na maunawaan ang kaniyang kalagayan.

T. V., Italya

Nagkaroon ako ng polio sa edad na 18 buwan, at hindi ito kasinggrabe ng kay Brother Meintsma. Gayunman, para bang nauubusan ako ng lakas dahil sa panghihina ng mga kalamnan. Tinulungan ako ng artikulo kung paano ko matitipid ang aking lakas. Ang pinakamalaking pakinabang ko mula sa artikulo ay ang malaman na nauunawaan ni Jehova ang kalagayan ko at na siya’y nagmamalasakit!

L. J., Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share