Bilang Pampamilyang Repaso
KABILANG sa mapagpahalagang mga mambabasa ng Gumising! ang maraming bata. “Salamat po sa napakagagandang artikulo,” ang isinulat ng isang siyam-na-taóng-gulang na batang lalaki. “Panatilihin po ninyong kawili-wili ang mga magasing ito.” Pagkabasa sa artikulo hinggil sa mga lumbalumba sa isyu ng Enero 8, 2002, ganito ang isinulat ng isang batang babae: “Noon pong nakaraang tag-araw nang ako’y pitong taóng gulang, tatlong lumbalumba ang lumapit sa amin at pinanood ang paglangoy namin, gaya ng mga lumbalumba na nabasa ko sa artikulo. Gustung-gusto ko pong pagmasdan ang kamangha-manghang mga bagay na ginawa ni Jehova. Salamat po sa mga artikulong inililimbag ninyo!”
Mga magulang, maitatawag-pansin ba ninyo sa inyong mga anak ang mga artikulo sa isyung ito ng Gumising! na mapakikinabangan nila? Malamang na masisiyahan sila sa sumusunod na pagsasanay.
Hanapin ang mga larawang ito sa magasin, at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod.
1. Ano ang nangyari sa kawawang maya na ito, at paano ito natulungan?
2. Ano ang sinabi ni Jesus hinggil sa mga maya?
․․․․․․․․․
1. Ano ang tawag sa hayop na ito, at sino ang lumalang nito?
2. Anu-anong kahanga-hangang bagay ang kayang gawin ng hayop na ito?
․․․․․․․․․
1. Anong paksa ang pinili ng batang babaing ito para sa kaniyang proyekto hinggil sa kasaysayan, at bakit?
2. Paano mo maipakikipag-usap sa iba ang tungkol kay Jehova?
[Picture Credit Line sa pahina 31]
Benjam Pöntinen