Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/22 p. 31
  • Paano Makasisikat ang Araw sa Hatinggabi?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Makasisikat ang Araw sa Hatinggabi?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Hindi Sumisikat ang Araw
    Gumising!—2008
  • Araw, I
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • ‘Ang Tag-araw at Taglamig ay Hindi Maglilikat’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Isinisiwalat ng Di-Karaniwang Teleskopyo ang mga Hiwaga ng Araw
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 5/22 p. 31

Paano Makasisikat ang Araw sa Hatinggabi?

“PAANONG hindi kailanman lumulubog ang araw?” Bilang isang misyonerong taga-Finland na naglilingkod sa Papua New Guinea, madalas kong marinig ang mga tanong na gaya niyan. Sa Tropiko, ang haba ng mga oras ng liwanag ay bahagya lamang nagbabago sa bawat buwan. Kaya ang ideya na hindi lumulubog ang araw sa Artiko sa loob ng ilang buwan ay mahirap maunawaan ng mga naninirahan sa Tropiko. At kapag ipinaliliwanag ko na ang araw ay hindi kailanman sumisikat sa panahon ng taglamig, lalo pang hindi ito maunawaan ng marami.

Kaya nga, paano sumisikat ang araw sa hatinggabi? Nagaganap ang kamangha-manghang pangyayaring ito sapagkat sa taunang paglalakbay ng lupa sa palibot ng araw, ang rotational axis ng lupa ay nananatiling nakahilig nang 23.5 digri. Sa gayon, sa panahon ng tag-araw sa Hilagang Hemisperyo, ang Polong Hilaga ay nakahilig paharap sa araw, samantalang nakahilig naman ito palayo sa araw sa panahon ng taglamig. Yamang umiikot ang lupa sa axis nito minsan sa isang araw, sa Arctic Circle, isang gabi sa isang taon​—mga Hunyo 21​—hindi lumulubog ang araw. Gayundin, isang araw sa isang taon​—bandang Disyembre 21​—hindi sumisikat ang araw, bagaman tanghaling tapat, ang tanawin ay parang nagbubukang-liwayway pa lamang.

Sa katunayan, habang pahilaga ka sa itaas ng Arctic Circle, mas maraming gabi sa panahon ng tag-araw ang magkakaroon ng araw sa hatinggabi at mas maraming araw sa panahon ng taglamig ang walang liwanag ng araw. Sa mga polo, anim na buwan ang araw at anim na buwan naman ang gabi.a

Paano natutulog ang mga naninirahan sa mga rehiyon sa polo kung tag-araw, at paano nila nahaharap ang mahahabang gabi kung taglamig? Sa ilang kultura noon, mahigit sa doble ang oras na itinutulog ng mga tao sa gabi kapag taglamig kung ihahambing sa tulog nila sa tag-araw. Nakatulong sa marami ang pagsunod sa mas makabagong paraan ng pamumuhay upang matulog sa magkatulad na haba ng oras gabi-gabi. Subalit nagkakaroon pa rin ng karagdagang lakas ang mga naninirahan sa Northland sa mahahabang araw kung tag-araw. “Kapag maliwanag pa ang araw sa 11:00 n.g., hindi pa ako inaantok,” ang sabi ni Patrick na nakatira sa Alaska. “Kung minsan ay lumalabas ako ng bahay at nagtatabás ng damo o gumagawa ng iba pang trabaho.”

Sa kabilang dako naman, ang mga buwan na puro liwanag o mga buwan na puro dilim ay nakapapagod​—sa katawan at isipan. Kaya, sinisikap ng ilang tao na hadlangan ang pagpasok ng liwanag sa kanilang silid-tulugan sa tag-araw at inilalantad ang kanilang sarili sa matinding liwanag sa taglamig, pawang sa pagsisikap na timbangin ang kanilang mga mekanismo sa pagtulog at iwasan ang pagkapagod at depresyon. Gayunman, sa kabila ng mga problema, sumasang-ayon ang mga residente at mga bisita na di-malilimutang karanasan ang araw sa hatinggabi.​—Ipinadala.

[Talababa]

a Gayunding kamangha-manghang pangyayari ang nararanasan ng mga nasa Antartiko, subalit tag-araw sa Antartiko kapag taglamig sa Artiko.

[Dayagram/Mga larawan sa pahina 31]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Dahil nakahilig ang axis ng lupa, ang mga polo ay palaging may liwanag ng araw sa tag-araw at palagi namang madilim sa taglamig (Ang halimbawang ipinakikita rito ay para sa Hilagang Hemisperyo)

Taglagas ←

● ● ● ● ●

Taglamig ● ◯ ●

→ Tagsibol

● ● ● ● ●

Tag-araw

Umiikot ang lupa sa axis nito minsan sa isang araw

[Larawan sa pahina 31]

Kuha ng araw sa hatinggabi sa pamamagitan ng video

[Credit Line]

© Paul Souders/WorldFoto

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share