Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 7/8 p. 3
  • Biglang Nawalan ng Trabaho!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Biglang Nawalan ng Trabaho!
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Bago at Pagkatapos Mag-aral ng Bibliya—May Epekto ang Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2003
  • Ang Salot ng Kawalan ng Trabaho
    Gumising!—1996
  • Papaano Ako Makapapasok (at Makapananatili!) sa Trabaho?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Kawalan ng Trabaho—Bakit?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 7/8 p. 3

Biglang Nawalan ng Trabaho!

“Nang mawalan ako ng trabaho, para akong binuhusan ng isang timba ng malamig na tubig. Nawalan talaga ako ng pagpapahalaga sa sarili.”​—Tony, Alemanya.

“Parang isang napakabigat na bato ang ipinatong sa aking ulo. Bilang nagsosolong magulang, nag-aalala ako kung paano ko mapakakain ang aking dalawang anak at mababayaran ang aking mga utang.”​—Mary, India.

“Lubha akong pinanghinaan ng loob nang mawalan ako ng trabaho, at nangamba ako kung makahahanap pa kaya ako ng ibang trabaho.”​—Jaime, Mexico.

SA BUONG daigdig, milyun-milyon ang dumaranas ng problemang gaya ng napapaharap kina Tony, Mary, at Jaime. Bago magsimula ang siglong ito, tinatayang 10 porsiyento ng mga manggagawa sa Europa at Sentral Asia​—mga 23 milyon katao​—ang naghahanap ng trabaho. Sa ilang di-gaanong maunlad na mga lupain, mahigit sa sangkapat ng mga manggagawa ang walang trabaho. Sa Estados Unidos, “halos 2.6 milyong trabaho lahat-lahat ang nawala sa nakalipas na 28 buwan,” ang sabi ng The New York Times ng Hulyo 2003.

Sa maraming lupain, ang paghahanap ng trabaho ay naghaharap ng seryosong mga hadlang. Halimbawa, napakaraming kabataang nagsisipagtapos sa haiskul at kolehiyo taun-taon ang naghahanap ng trabaho. Bukod diyan, hindi garantiya ang pagkakaroon ng titulo o pantanging kasanayan upang ang isa ay makahanap ng trabaho sa isang napiling propesyon. Kaya naman, karaniwan na ngayon sa mga tao ang ilang ulit na papalit-palit ng trabaho sa mga taon ng kanilang pagtatrabaho. Ang ilan ay kailangan pa ngang lubusang magpalit ng kanilang karera.

Kung nawalan ka ng trabaho, ano ang magagawa mo upang mapabuti ang iyong tsansa na makahanap ng trabaho? At kapag nakahanap ka ng trabaho, ano ang magagawa mo upang makapanatili rito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share