Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/08 p. 25
  • Binti ng Seagull

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Binti ng Seagull
  • Gumising!—2008
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Unang Nagdisenyo?
    Saan Nagmula ang Buhay?
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2008
  • Ang Mahusay na Pananggalang sa Init ng Saharan Silver Ant
    Gumising!—2017
  • Kailangan Mo ba ng Air-Condition?
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—2008
g 9/08 p. 25

May Nagdisenyo ba Nito?

Binti ng Seagull

◼ Hindi naninigas sa lamig ang isang seagull kahit na nakatuntong ito sa yelo. Ano ang sekreto ng nilalang na ito para mapanatili ang init sa kaniyang katawan? Isa na rito ang tinatawag na mga countercurrent heat exchanger.

Pag-isipan ito: Ang countercurrent heat exchanger ay binubuo ng isang tubo na dinadaluyan ng mainit na likido, katabi ng isa pang tubo na dinadaluyan naman ng malamig na likido. Kapag pareho ang direksiyon ng likido, karaniwan nang napaiinit lamang nang 50 porsiyento ang likido sa kabilang tubo. Pero kung magkasalungat ang daloy ng likido, napaiinit nang halos 100 porsiyento ang likido sa kabilang tubo.

Pinalalamig ng mga heat exchanger sa mga binti ng seagull ang dugo na dumadaloy patungo sa mga paa nito hanggang sa halos magyelo at pagkatapos ay muli itong pinaiinit bago bumalik sa katawan. Hinggil sa mga ibon sa malalamig na lugar, ganito ang isinulat ng ornitologong si Gary Ritchison: “Ang konsepto ng countercurrent heat exchange ay napakabisa at napakahusay anupat ginagamit din ang konseptong ito sa mga proyekto sa inhinyeriya para makatipid sa enerhiya.”

Ano sa palagay mo? Basta na lamang ba nagkaroon ng countercurrent heat exchanger ang mga binti ng seagull? O may nagdisenyo nito?a

[Talababa]

a Mayroon ding mga countercurrent heat exchanger ang mga tao, ilang isda, at ang maraming iba pang hayop.

[Dayagram/Mga larawan sa pahina 25]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

Pinaiinit ng mga “heat exchanger” sa mga binti ng “seagull” ang dugo bago bumalik sa katawan

[Dayagram]

32°C

0-5°C

[Picture Credit Line sa pahina 25]

Seagull: © Michael S. Nolan/age fotostock

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share