Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/09 p. 17
  • Bisikletang Naghahasa ng Kutsilyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bisikletang Naghahasa ng Kutsilyo
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Tilamsik ng Baga at Pawis!
  • Kutsilyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Isang Simpleng Tanong na Magagamit Mo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2025
  • Nakapagpapalusog na Kasiyahan Sakay ng Bisikleta
    Gumising!—2002
  • Pananaw—Malaki ang Nagagawa!
    Gumising!—2016
Iba Pa
Gumising!—2009
g 2/09 p. 17

Bisikletang Naghahasa ng Kutsilyo

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA TANZANIA

◼ Ano ang iisipin mo kapag nakakita ka ng lalaking nakaupo nang patalikod sa bisikleta, pedal nang pedal pero hindi umaalis sa puwesto? Sa ilang bahagi ng daigdig, gaya rito sa Silangang Aprika, malamang na makakita ka ng isang naghahasa ng kutsilyo​—isang lalaking naglalaan ng serbisyong kailangan sa kanilang lugar para kumita.

Ordinaryo ang kaniyang bisikleta pero may ilang idinagdag na mahalagang bahagi. Mayroon itong mulihan, o bilog na hasaang bato, na nakakabit sa pinatibay na carrier nito. Ang drive belt, isang taling nylon, ay ikinakabit sa hinating rim ng ekstrang gulong ng bisikleta na nakahinang sa likurang gulong ng bisikleta.

Hindi tiyak kung paano nakarating sa Aprika ang kakaibang bisikletang ito. “May nakapagsabi sa akin na bago magkaroon nito sa lunsod ng Moshi, kung saan ako nakatira, ginagamit na ang ganitong mga bisikleta sa Dar es Salaam, kabisera ng Tanzania,” ang sabi ni Andrea, isang lalaking naghahasa ng kutsilyo sa ganitong paraan mula pa noong 1985. “Noon pang 1982, ginagamit na ito rito,” ang sabi pa niya.

Saan nakakakuha ng bisikletang naghahasa ng kutsilyo? Ipinaliwanag ni Andrea, “Pumupunta kami sa isang fundi, salitang Swahili para sa ‘bihasang manggagawa,’ at sa kaniya namin pinapabago ang disenyo ng bisikleta ayon sa gusto namin.” Karaniwan na, isa o dalawang araw lang, tapos na ito.

Mga Tilamsik ng Baga at Pawis!

Nagsisimula ang araw ni Andrea nang mga alas-siyete ng umaga. Inihahanda niya ang kaniyang bisikleta at pumupunta sa mataong lugar. Pagdating doon sisigaw siya: “Hasa! Hasa!” Pinatutunog din niya ang kuliling na nakakabit sa kaniyang bisikleta. Mayamaya, may dudungaw nang isang nanay. Tatawagin niya si Andrea at iaabot ang mapupurol na kutsilyo. Isa pang kapitbahay ang may dalang gulok; at dala naman ng barbero ang kaniyang gunting. Naghahasa rin si Andrea ng asarol, barena, at halos anumang bagay na may talim.

Bago maghasa, naghahanap muna si Andrea ng patag na lugar na mapupuwestuhan ng kaniyang bisikleta saka niya ibababa ang stand nito para umangat ang gulong sa likuran. Pagkatapos, ikakabit niya ang drive belt na nylon at uupo sa isa pang upuan na nakaharap sa likod, at saka magpepedal. May mga tilamsik ng baga mula sa kaniyang hasaan at pinagpapawisan siya habang pinatatalas niya nang husto ang sari-saring talim. Pagdating ng mga alas-seis ng gabi, tapos na ang trabaho ni Andrea.

Ang namimisikletang tagahasang ito ay isa lamang halimbawa kung paanong ang “mga masikap,” madiskarte, at may pagkukusa ay maaaring kumita sa marangal na paraan sa kabila ng kahirapan.​—Kawikaan 13:4.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share