Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 5/09 p. 15-17
  • Mga Higante sa Europa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Higante sa Europa
  • Gumising!—2009
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Hayina, Hipopotamus, at Iba Pa
  • Inililigaw ng mga Siyentipiko ang Publiko
    Gumising!—1994
  • Garing—Gaano Kahalaga Ito?
    Gumising!—1998
  • Panahon Na ba Upang Magpaalam?
    Gumising!—1989
  • Pangangalaga sa Mapayapang Pachyderm
    Gumising!—1992
Iba Pa
Gumising!—2009
g 5/09 p. 15-17

Mga Higante sa Europa

MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA ITALYA

NOONG 1932, habang naghuhukay ang mga trabahador na gumagawa ng kalsada malapit sa Colosseum sa Roma, may natamaang matigas na bagay ang isa sa kanila. Pangil at bungo pala iyon ng elepante. Hindi lamang dito nakatuklas ng ganitong labí. Sa loob ng maraming taon, mga 140 fosil ng mga elepante ang natagpuan sa Roma at mga karatig-lugar, at ang kauna-unahang tuklas ay noong ika-17 siglo.

Inisip ng mga tao na ito ang mga elepanteng iniluwas sa sinaunang Roma o ang mga elepanteng dinala sa Italya ni Heneral Hannibal ng Cartago. Hindi sang-ayon dito si G. B. Pianciani, isang pari at propesor ng Natural Sciences sa Viterbo noong ika-19 na siglo. Yamang karamihan sa natatagpuang mga buto ay natabunan ng banlik, sinabi niya na buto ito ng mga hayop na namatay sa ibang lugar at tinangay ng tubig-baha.

Karamihan sa mga fosil ng elepante na nakita sa Italya ay iba sa mga elepanteng nakikita natin ngayon. Mga fosil iyon ng Elephas antiquus, o sinaunang elepante, na ubos na ngayon. (Tingnan ang pahina 15.) Halos tuwid ang mga pangil ng nilalang na ito at ang taas nito ay umaabot nang mga limang metro hanggang balikat, kaya mas mataas ito nang mga dalawang metro kaysa sa mga elepante ngayon.

Marami ba ang mga higanteng iyon? Ipinakikita ng mga rekord ng fosil na matatagpuan ang mga ito sa buong Europa at Inglatera, gaya ng kanilang malapit na kamag-anak na mga mammoth. Bukod diyan, hindi paisa-isa ang natatagpuan nilang mga fosil ng elepante, kundi marami pa itong kasamang iba’t ibang uri ng mga hayop, na ilan sa mga ito ay kaaway ng mga elepante.

Hayina, Hipopotamus, at Iba Pa

Ipinahihiwatig ng mga fosil na nakita sa Lazio, isang rehiyon sa sentro ng Italya na kinaroroonan ng Roma, na ang klima noon sa lugar na ito ay parang sa Aprika dahil dating may mga hipopotamus, gasela, at maging malalaking pusa rito. Sa katunayan, may nakita pa ngang fosil ng isang pusa, na tinatawag na leopardo ng Monte Sacro, sa pinakasentro ng Roma. Sa Polledrara sa labas ng lunsod, nakahukay ng mahigit 9,000 fosil ng iba’t ibang hayop: sinaunang elepante, bupalo, usa, Barbary ape, rinoseros, at aurochs​—malalaking barakong baka na naubos mga apat na siglo na ang nakalilipas. Nagtayo roon ng museo na may mataas-taas na daanan ng tao para makita ng mga pumapasyal ang mga fosil sa orihinal na lokasyon ng mga ito.​—Tingnan ang pahina 16.

May isang kuweba malapit sa Palermo, Sicily, na punô ng tone-toneladang labí ng mga hayop, kabilang na ang fosil ng buto ng mga usa, barakong baka, elepante, at hipopotamus na iba’t iba ang edad​—at may isa pa ngang fetus. Sa katunayan, mula nang matuklasan ang kuwebang ito, 20 tonelada na ng mga fosil ang ibinenta sa unang anim na buwan!

Sa Timugang Inglatera, nakatuklas sa iba’t ibang lugar ang paleontologong si J. Manson Valentine ng pagkarami-raming fosil ng pira-pirasong buto ng iba’t ibang hayop na nabanggit sa itaas, pati na ng mga hayina at polar bear. Bakit napakaraming natatagpuang fosil sa iba’t ibang lugar?

Sinasabi ng ilang siyentipiko na ang pagkamatay ng mga hayop na ito ay maiuugnay sa isang likas na sakuna. Anuman ang sanhi o mga sanhi ng pagkalipol ng napakaraming hayop na ito, isang bagay ang tiyak​—nangyari ito sa napakaraming lugar kasali na ang buong Europa, Siberia, at Alaska.

Sa tulong ng mga rekord ng fosil, maguguniguni natin ang malaking kaibahan ng daigdig natin sa ngayon kung ihahambing noon. Sa katunayan, kung mabubuhay ka noon sa Italya, baka akalain mong nasa ilang ka ng Aprika.

[Kahon sa pahina 17]

ANO ANG FOSIL?

Sa unang tingin, parang karaniwang buto lang ang fosil. Pero ang totoo, resulta ito ng kemikal na pagbabago​—fossilization​—na nagaganap bago maagnas ang bangkay ng mga hayop.

Ang mineralization ay karaniwang uri ng fossilization. Sa prosesong ito, ang organikong komposisyon ng katawan ng hayop ay bahagya o lubusang napapalitan ng mga mineral na nasa banlik. Kaya para maganap ang fossilization, mahalaga ang tamang kondisyon ng kapaligiran. Kailangang matabunan kaagad ng maraming banlik ang bangkay, at kailangang hindi ito agad maagnas. Pero sa karaniwang kalagayan, ang bangkay ng hayop ay inuubos ng baktirya o naaagnas dahil sa mga elementong gaya ng hangin at tubig. Kaya bihirang-bihirang mangyari ang fossilization.

[Kahon/Larawan sa pahina 17]

MAMMOTH SA HILAGANG HEMISPERYO

Ipinahihiwatig ng rekord ng fosil na may mga mabalahibong mammoth noon sa iba’t ibang bahagi ng lupa, kasali na ang Asia, Europa, at Hilagang Amerika. May mga indikasyon na ang pinakamalayong lugar na nararating ng mga ito sa gawing timog ng Europa ay ang Italya.

Ang mammoth na halos sinlaki ng Asian elephant na nabubuhay ngayon ay mabalahibo​—humahaba ang balahibo nito nang hanggang 50 sentimetro. Ang mga lalaking mammoth ay may pakurbang pangil na umaabot nang mga limang metro ang haba. Napakaraming nakuhang garing ng mammoth sa Siberia​—sa katunayan, iniluluwas pa nga ang mga ito sa Tsina at Europa mula noong Edad Medya.

[Credit Line]

Photo courtesy of the Royal BC Museum

[Larawan sa pahina 16, 17]

Mga fosil sa Polledrara

[Credit Line]

Soprintendenza Archeologica di Roma

[Picture Credit Lines sa pahina 15]

Top: Museo di Paleontologia dell’Università degli Studi “La Sapienza” di Roma; bottom: © Comune di Roma - Sovraintendenza Beni Culturali (SBCAS; fald. 90, fasc. 4, n. inv. 19249)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share