Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/09 p. 25
  • Ang Shell ng Mulusko

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Shell ng Mulusko
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Hiyas Mula sa Dalampasigan
    Gumising!—2003
  • Ang Kaakit-akit na mga Kabibing Iyon
    Gumising!—1986
  • Ang Kayarian ng Isang Kabibi
    Gumising!—1991
  • Perlas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—2009
g 8/09 p. 25

May Nagdisenyo ba Nito?

Ang Shell ng Mulusko

◼ Ang mga kabibe ay mukhang madaling mabasag, pero ang totoo, matibay ang mga ito. “Kinailangan ko pang pukpukin ng martilyo ang ilan sa mga ito para makakuha ng kapiraso,” ang sabi ng inhinyerong si Kenneth Vecchio, habang binabalikan ang panahon ng kaniyang kabataan. Napakatibay ng kabibe, lalo na ang shell ng mga mulusko.a

Pag-isipan Ito: Ang sapin sa loob ng shell ng mulusko (tinatawag na nakar, o mother-of-pearl) ay may pagkaliliit na kaliskis. Sa katunayan, ang mga pagitan nito ay makikita lamang kapag ginamitan ng mikroskopyo. “Ang komplikadong istraktura [ng pagkaliliit na kaliskis] ng nakar ay kamangha-mangha at ito siguro ang isang importanteng dahilan kung bakit napakatibay nito,” ang sabi ni Christine Ortiz, isang propesor sa Department of Materials Science and Engineering sa Massachusetts Institute of Technology, E.U.A.

Ayon sa paglalarawan ng manunulat ng siyensiya na si Charles Petit, “kahanga-hanga ang pagkakaayos” ng nakar. Ipinaliwanag niya: “Kapag tiningnan sa mikroskopyo, ang cross-section [ng kaliskis ng nakar] ay parang pinagpatung-patong na hollow block na hugis heksagon. Ang mga ito’y malakristal na mineral na tinatawag na calcium carbonate na nakasalansan nang maayos. Ang pinakasementong nagdidikit sa mga ito ay mayaman sa protina at nagmumula mismo sa kabibe.”

Naniniwala ang mga siyentipiko na magagamit ang pormula ng shell ng mga mulusko sa iba’t ibang bagay​—gaya ng paggawa ng panel ng sasakyan, pakpak ng eroplano, at mas matitigas na metal na pananggalang sa mga sandata. “Ginagamit ng kalikasan ang disenyo ng komplikado at pagkaliliit na istraktura para makagawa ng napakatitibay na materyales,” ang sabi ni Ortiz. “Karaniwan nang hindi matapatan ng mga inhinyero ang kakayahang ito ng kalikasan.”

Ano sa palagay mo? Basta na lamang ba lumitaw ang napakatitibay na shell ng mulusko? O may nagdisenyo nito?

[Talababa]

a Ang mga mulusko ay mga hayop na walang buto at malalambot ang katawan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay tulya, tahong, talaba, scallop, pugita, at pusit.

[Larawan sa pahina 25]

Pinalaking cross-section ng sapin sa loob ng shell ng mulusko

[Credit Line]

Inset: © Eye of Science/Photo Researchers, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share