Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/09 p. 20
  • Hindi Bumibitiw sa Kanang Kamay ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Bumibitiw sa Kanang Kamay ng Diyos
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Jezreel
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ano ang Kanilang Natuklasan sa Jezreel?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2000
  • Esdraelon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Heograpya sa Bibliya Ito ba ay Walang Mali?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—2009
g 9/09 p. 20

Hindi Bumibitiw sa Kanang Kamay ng Diyos

◼ Si Jezreel na taga-Mexico ay isinilang na may kakaibang sakit sa balat na tinatawag na congenital lamellar ichthyosis. Halos buong katawan niya ay nagbabakbak ang balat at nagkakakalyo. “Nakakadiri ang hitsura ko,” ang sabi ni Jezreel, “pero hindi nakakahawa ang sakit ko.”

Sanggol pa lang si Jezreel, labas-masok na siya sa iba’t ibang ospital. Sa edad na dalawang taon, ipinasok siya sa isolation unit ng isang ospital kung saan sterilized ang lahat ng gamit para makaiwas sa impeksiyon. Pero hindi pa rin gumaling ang sakit niya. Ipinatingin siya sa psychiatrist para matulungan siyang makayanan ang panghihina ng loob.

Madalas iwasan si Jezreel ng mga taong nag-aakalang nakakahawa ang sakit niya. Nahihirapan siya sa ganitong sitwasyon lalo na noong bata pa siya at gusto niyang makipaglaro sa iba. Naaalaala niya, “Tinutukso nila ako at tinatawag pa ngang Mummy at Extraterrestrial.”

Sa kabilang banda, dahil sa kaniyang sakit, nagkaroon si Jezreel ng pagkakataong sabihin sa iba ang tungkol sa kaniyang pag-asang batay sa Bibliya. Madalas siyang tinatanong ng mga tao kung nasunog ba ang balat niya. Kapag sinasabi niyang hindi, itinatanong nila kung bakit ganoon ang hitsura niya. Ipinaliliwanag niya ang kaniyang sakit at sinasabi niyang wala pang natutuklasang gamot para dito.

Sinasabi pa niya, “Napakalaki ng pag-asa ko dahil nangangako ang Diyos na Jehova na ang mga sumusunod sa kaniyang mga batas ay mabubuhay sa isang bagong sanlibutan kung saan wala nang sakit at kirot.” (Apocalipsis 21:3, 4) Sa ganitong pakikipag-usap ni Jezreel, nakakapagpasimula siya ng mga pag-aaral sa Bibliya sa mga tao, at nakadama siya ng kagalakan dahil nakita niya ang ilan sa kanila na naging mananamba rin ng Diyos.

“Nagpapasalamat ako dahil isinilang ako sa isang Kristiyanong pamilya,” ang sabi ni Jezreel, “at dahil Saksi ni Jehova ako, marami akong matalik na kaibigan. Kahit ganito ang hitsura ko, hindi nila ako iniiwasan. Nabautismuhan ako sa edad na 17, at sa loob ng 14 na taon mula noon, nagkaroon ako ng iba’t ibang pribilehiyo ng paglilingkod sa ating Maylalang.”

Laging nasa isip ni Jezreel ang nakapagpapatibay na mga salita ni Jehova sa Isaias 41:10, 13: “Huwag kang matakot, sapagkat ako ay sumasaiyo. . . . Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng katuwiran. Sapagkat ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay, ang Isa na nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang matakot. Ako ang tutulong sa iyo.’”

Dahil hindi bumibitiw si Jezreel sa kanang kamay ni Jehova, hindi na siya masyadong naiilang, at kayang-kaya na niyang dalhin ang mga problemang dulot ng sakit niya. Kasama ng milyun-milyong iba pa, hinihintay niya ang katuparan ng magagandang pangako ng Diyos.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share