Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/09 p. 22
  • Pagpapakita ng Pagmamahal—Bakit Mahalaga?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagpapakita ng Pagmamahal—Bakit Mahalaga?
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Kung Paano Magpapakita ng Pagmamahal
    Tulong Para sa Pamilya
  • Ikaw ba’y May Pagmamahal kay Jehova?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
  • “Magkaroon Kayo ng Magiliw na Pagmamahal sa Isa’t Isa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2004
  • Natuklasan ang Susi sa Pagmamahal sa Kapatid
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Gumising!—2009
g 12/09 p. 22

Pagpapakita ng Pagmamahal​—Bakit Mahalaga?

“BUSUGIN mo sila sa yakap!” ang sagot ng isang propesor ng child psychiatry sa isang nanay na humihingi ng payo kung ano ang pinakamagandang paraan ng pagpapalaki sa kaniyang kasisilang pa lang na kambal. Ngayon pa lang kasi siya nagkaanak. “Kailangang ipakita ang pag-ibig at pagmamahal sa iba’t ibang paraan, gaya ng pagyakap at paghalik, paglalambing, pag-unawa, pakikigalak, pagbibigay, at pagpapatawad at, kung kinakailangan, pagdidisiplina,” ang sabi pa ng propesor. “Hindi natin dapat isiping alam na ng ating mga anak na mahal natin sila.”

Mukhang sang-ayon diyan si Tiffany Field, direktor ng Touch Research Institute ng University of Miami sa Florida, E.U.A. “Gaya ng pagkain at ehersisyo, mahalaga ang haplos sa kalusugan, kasiyahan, at paglaki ng bata,” ang sabi niya.

Kailangan din ba ng mga adulto ang mga bagay na ito? Oo. Ayon sa pananaliksik ng clinical psychologist na si Claude Steiner, ang pagpapasigla sa pamamagitan ng salita at gawa ay mahalaga para maging matatag ang emosyon natin, anuman ang ating edad. Ganito ang sabi ni Laura, isang nars na nangangalaga sa isang malaking grupo ng mga may-edad na: “Malaking bagay talaga ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga may-edad. Kapag mabait ka sa kanila at hinahawakan mo sila, nakukuha mo ang loob nila at madali silang sumunod. Isa pa, ang gayong mapagmahal na pakikitungo ay nagbibigay sa kanila ng dignidad.”

Bukod diyan, maging ang nagpapakita ng pagmamahal ay nakikinabang din. Gaya nga ng sinabi ni Jesu-Kristo, “may higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) Ang pagpapakita ng pagmamahal ay lalo nang nagdudulot ng kaligayahan kapag ipinakikita ito sa mga nababalisa, nadedepres, o walang kumpiyansa sa sarili. Inilalahad ng Bibliya ang maraming karanasan ng ganitong mga tao na nakatanggap ng gayong tulong.

Isip-isipin na lamang ang nadama ng “isang lalaking punô ng ketong,” isa na pinandidirihan ng mga tao, nang hipuin siya mismo ni Jesu-Kristo dahil sa habag!​—Lucas 5:12, 13; Mateo 8:1-3.

Isip-isipin din kung paano napalakas ang may-edad nang propetang si Daniel nang patibayin siya ng isang anghel ng Diyos at hipuin nang tatlong beses. Iyon ang kailangang-kailangan noon ni Daniel para makabawi sa matinding pisikal at mental na pagkapagod.​—Daniel 10:9-11, 15, 16, 18, 19.

May pagkakataon naman na ang mga mahal na kaibigan ni apostol Pablo ay naglakbay nang mga 50 kilometro mula Efeso papuntang Mileto para makipagkita sa kaniya. Doon, sinabi ni Pablo na baka hindi na sila muling magkita. Tiyak na napasigla ang apostol nang ang mga tapat niyang kaibigan ay ‘sumubsob sa leeg niya at magiliw siyang hinalikan’!​—Gawa 20:36, 37.

Kaya pinasisigla tayo ng Bibliya at ng modernong pananaliksik na magpakita ng pagmamahal sa isa’t isa. Malaki ang maitutulong nito sa emosyon at kalusugan. Maliwanag na hindi lang para sa mga bata ang taimtim na pagpapakita ng pagmamahal.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share