Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/09 p. 23
  • Ang Balahibo ng Kuwago

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Balahibo ng Kuwago
  • Gumising!—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Kuwago
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ang Pakpak ng Kuwago
    May Nagdisenyo Ba Nito?
  • Ang Kayumangging Kuwago Sa Pader ng Hadrian
    Gumising!—1995
  • Ang Tahimik na Mandaragit
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—2009
g 12/09 p. 23

May Nagdisenyo Ba Nito?

Ang Balahibo ng Kuwago

◼ Inggit na inggit ang mga flight engineer sa kuwago. Bakit? Dahil napakatahimik nitong lumipad. “Walang ibang ibon na kayang lumipad nang gayon katahimik,” ang sabi ng Web site ng National Geographic. Ano ang sekreto ng kuwago?

Pag-isipan ito: Kapag tumatama ang hangin sa balahibo ng karamihan sa mga ibon, lumilikha ito ng ingay. Pero iba ang balahibo ng kuwago. Mayroon itong mga balahibo na may fringes na siyang nakababawas ng ingay na likha ng pagtama ng hangin sa pakpak kapag ikinampay ito pababa. Ang malalambot na balahibo naman sa katawan ng kuwago ang tumutulong para tuluyang mawala ang ingay.

Gustong malaman ng mga disenyador ng eroplano ang sekreto kung bakit napakatahimik lumipad ng kuwago. Kapag tahimik lumipad ang mga eroplano, puwede nang lumipad o lumapag nang mas gabi at mas maaga ang mga ito. May ginagawa nang mga hakbang para maging mas tahimik ang paglipad ng mga eroplano. “Ngayon pa lang tayo nagsisimula,” ang sabi ni Geoffrey Lilley, isang retiradong propesor ng aeronautics sa University of Southampton sa Inglatera. Ayon pa sa kaniya, baka abutin pa ng maraming taon bago makagawa ng eroplanong tahimik lumipad.

Ano sa palagay mo? Ang balahibo ba sa likuran ng kuwago na nakababawas ng ingay ay nagkataon lang? O may nagdisenyo nito?

[Larawan sa pahina 23]

Pagkakaiba ng balahibo ng kuwago (kaliwa) at ng balahibo ng lawin (kanan)

[Picture Credit Lines sa pahina 23]

Long-eared owl: © Joe McDonald/Visuals Unlimited; barn owl sequence: © Andy Harmer/Photo Researchers, Inc.; feather comparison: Courtesy of Eike Wulfmeyer/Wikimedia/GFDL

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share