Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 3/10 p. 8
  • Awtomatikong Nabigasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Awtomatikong Nabigasyon
  • Gumising!—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Kapag Hindi Sapat ang mga Mapa Lamang—Ang Kamangha-manghang Global Positioning System
    Gumising!—1999
  • Satelayt na Telebisyon—Ito Ba’y Para sa Iyo?
    Gumising!—1987
  • Kalikasan ang Nauna
    Gumising!—2010
  • Nabigasyon sa Pamamagitan ng Tubig, Kalangitan, at Hangin
    Gumising!—2003
Iba Pa
Gumising!—2010
g 3/10 p. 8

Awtomatikong Nabigasyon

MALAMANG na alam mo kung gaano kahirap ang maligaw sa isang lugar na hindi ka pamilyar. Kaya baka palaisipan sa iyo kung paano maglalayag sa isang napakalawak na karagatan. Hindi sapat ang kompas, maliban na lang kung alam mo ang iyong posisyon at ang direksiyon ng destinasyon mo. Nalaman lang ng mga manlalayag kung paano matutukoy ang kanilang eksaktong lokasyon at ruta sa mapa nang maimbento ang sextant at marine chronometer noong dekada ng 1730. Pero kailangan pa rin ng maraming oras para makalkula ito.

Sa ngayon, ang mga motorista sa maraming lupain ay gumagamit ng mga device na nakakonekta sa Global Positioning System (GPS). Kailangan mo lang i-type ang adres ng pupuntahan mo. Pagkatapos, lilitaw na sa screen ng device ang eksaktong lokasyon mo at ang direksiyon papunta sa iyong destinasyon. Paano ba gumagana ang GPS?

Ang gayong mga device ay umaasa sa mga 30 satelayt. Bawat isa sa mga satelayt na ito ay nagpapadala ng signal tungkol sa eksaktong posisyon nito sa isang partikular na oras. Kapag nakakonekta na ang iyong device sa ilang satelayt, sinusukat nito kung gaano katagal dumating ang signal sa iyong receiver mula sa satelayt. Sa pamamagitan nito, nalalaman ng device ang iyong lokasyon. Siguradong naiisip mo kung gaano kahirap ang kalkulasyon nito. Sa loob ng ilang segundo, kinakalkula nito ang distansiya mo sa tatlong satelayt, na libu-libong kilometro ang layo at naglalakbay nang kilu-kilometro kada segundo sa magkakaibang direksiyon.

Inimbento nina Propesor Bradford Parkinson at Ivan Getting ang GPS noon pang unang bahagi ng dekada ng 1960. Bagaman inimbento ito para magamit ng militar, nagamit din ito nang maglaon ng publiko. At noong 1996, malawakan na itong ginamit. Ang GPS ay isang kagila-gilalas na produkto ng teknolohiya ng computer. Pero ito ba ang kauna-unahang device para sa awtomatikong nabigasyon?

[Picture Credit Line sa pahina 8]

Globe: Based on NASA photo

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share