Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/10 p. 3
  • ‘Laganap ang Kawalan ng Tiwala’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Laganap ang Kawalan ng Tiwala’
  • Gumising!—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Nawawala ang Pagtitiwala?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Maibabalik ang Pagtitiwala!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Batang Lalaki
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Dalawang Batang Nabuhay Uli
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
Iba Pa
Gumising!—2010
g 10/10 p. 3

‘Laganap ang Kawalan ng Tiwala’

Sa Kanlurang Aprika, isang 12-anyos na bata ang naospital​—biktima ng pekeng gamot sa malarya na nabili ng nanay niya sa isang rehistradong botika. “Labing-limang taon na kaming nakakakita ng mga pekeng gamot,” ang sabi ng doktor sa isang ospital.a

Sa Asia, kinilabutan ang mga magulang ng isang bagong-silang na sanggol nang malaman nila na ang gatas pala ng anak nila na sinasabing mayaman sa sustansiya ay may mga sangkap na masama sa kalusugan. Ang masaklap, namatay ang bata.

Isang pinagkakatiwalaang Amerikanong negosyante ang nanggantso sa kaniyang mga kliyente ng bilyun-bilyong dolyar! Natuklasan na lang ng libu-libong tao na wala na ang pensiyon nila. Tinawag itong “ang pinakamalaking pandaraya sa siglong ito.”

SA NGAYON, halos lahat ay nakaranas na ng pandaraya. Kahit ang pagbagsak ng ekonomiya sa buong daigdig ay pangunahin nang resulta ng tinawag ng pahayagang Le Monde sa Pransiya na “laganap na kawalan ng tiwala.”

Anu-ano ang dahilan ng “kawalan ng tiwala” sa ngayon? May mapagkakatiwalaan ka pa ba?

[Talababa]

a Iniulat sa pahayagang Le Figaro, na inilathala sa Paris, Pransiya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share