Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 12/11 p. 25-27
  • Paano Magiging Tunay na Masaya ang Isang Pagtitipon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Paano Magiging Tunay na Masaya ang Isang Pagtitipon?
  • Gumising!—2011
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • MATAGUMPAY NA PAGTITIPON
  • Bakit Pinagbabawalan Akong Mag-enjoy ng mga Magulang Ko?
    Gumising!—2011
  • Bakit Bawal Akong Mag-enjoy?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Paano Ako Magsasayá?
    Gumising!—1996
  • Paano Ko Kaya Makikilala Nang Higit ang mga Magulang Ko?
    Gumising!—2009
Iba Pa
Gumising!—2011
g 12/11 p. 25-27

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong

Paano Magiging Tunay na Masaya ang Isang Pagtitipon?

Lagyan ng ✔ ang pinananabikan mong gawin sa isang pagtitipon.

  • kumain

  • kumanta

  • maglaro

  • makakilala ng mga bagong kaibigan

  • makasama ang dati nang mga kaibigan

  • iba pa ․․․․․

MARAMING kabataan ang gustung-gustong pumunta sa mga pagtitipon, at wala namang masama riyan. Sa katunayan, binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa ilang mabubuting pagtitipon.

Alam mo ba?

  • Nagdaos ng mga pagtitipon ang mga anak ni Job.​—Job 1:4.

  • Dumalo si Jesus sa isang malaki-laking kasalan.​—Juan 2:1-11.

  • Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nagkaroon ng mga salu-salo sa mga pribadong tahanan.​—Gawa 2:46, 47.

Totoo naman, talagang masaya ang magtipun-tipon kasama ng mga kaibigan. Pero nakalulungkot, may mga pagtitipon na hindi nagiging kasiya-siya.

KARANASAN “Inimbitahan ako sa isang party na puwedeng pumunta kahit sino, at ginawa ito sa bahay ng isang kabataang lalaki noong wala ang mga magulang niya. Mabuti na lang at hindi ako pumunta! Kinabukasan, nabalitaan kong marami ang nag-inuman at may mga nalasing. Tatlong kabataang lalaki pa nga ang bumagsak sa sobrang kalasingan. Nagkaroon din ng away. Kinailangan pang tumawag ng pulis para ipahinto ang party.”​—Janelle.

ARAL Huwag magbaka-sakali! Ikaw man ang nag-oorganisa ng isang pagtitipon o imbitado ka lang, tiyaking alam mo ang sagot sa mga tanong sa kasunod na mga pahina. Sa gayo’y mas malamang na magkaroon ka ng magagandang alaala pagkatapos ng party, at wala ka pang pagsisisihan.

MATAGUMPAY NA PAGTITIPON

“Noong magbigay ng party ang kaibigan ko, alam ng mommy niya kung nasaan ang lahat. Kahit noong kukuha lang ako ng jacket sa kotse, tinanong niya kung saan ako pupunta. Sobrang ingat ba siya? Siguro. Pero okey lang ’yon sa ’kin dahil alam kong mas mabuti nang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.”​—Kim.

“May nadaluhan na akong masasayang pagtitipon, at sa palagay ko, naging matagumpay ang mga ’yon dahil iba-ibang edad ang naroroon. Isa pa, may inihandang masasayang activity ang mga host, kaya walang bumubukod para gawin ang gusto niya.”​—Andrea.

Marami pang impormasyon para sa mga tin-edyer ang makikita sa Web site na www.jw.org/tl

“May mga tao na mabubuting kasama, pero meron namang parang mabubuti pero gumagawa ng kuwestiyunableng bagay. Para maging maayos at masaya ang pagtitipon, dapat mong piliing mabuti kung sinu-sino ang iimbitahan mo.”

“May nadaluhan na akong matagumpay na mga pagtitipon kung saan may mga patakarang ipinasunod para maiwasan ang problema. Ang gano’ng mga pagtitipon ay hindi nakaka-stress at mas masaya.”

Sinu-sino ang dadalo, at gaano kalaki ang pagtitipon?

“Sa palagay ko, ang dapat mo lang imbitahan ay y’ong mga talagang kilala mo at hindi puwede ang kahit sino. Hindi mo rin dapat sabihin sa mga dadalo na magsama ng kaibigan nila.”​—Renee.

“Kung hindi imomonitor ang bilang ng iimbitahan, baka mahirapan kang kontrolin ang pagtitipon. Mag-iimbita ka ng 20, pero ang mga ’yon naman ay mag-iimbita pa ng 10, at ang 10 na ’yon ay magsasama ng mas marami pa . . . May nangyari nang gano’n!”​—Colette.

“Mas mahirap kontrolin ang pagtitipon kapag napakalaki nito. Sa tingin ko, mas mabuti kung maliit lang ang grupo.”​—Alexis.

“Siyang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, ngunit siyang nakikipag-ugnayan sa mga hangal ay mapapariwara.”​—KAWIKAAN 13:20

Ano ang malamang na mangyari doon?

“Kung ikaw ang host at may masamang nangyari, pumapangit ang reputasyon mo.”​—Bridget.

“Kapag naiplanong mabuti ang pagtitipon, nagiging kasiya-siya iyon. Mahalagang isipin kung ano ang posibleng maging problema at sikaping maiwasan iyon.”​—Seth.

KARANASAN “Sinabi ng isang kaibigan ko na hindi raw niya ako iniimbitahan sa mga pagtitipon dahil alam niyang maraming itatanong ang parents ko, gaya ng, Sinu-sino ang pupunta? at Hanggang anong oras ’yon? Sinabi niya na ayaw niyang minomonitor nang gano’n. Malinaw na senyales ’yan! Kung ayaw niyang tinatanong siya, sa tingin ko, hindi ako dapat pumunta sa mga party niya!”​—Ellen.

“Kayo man ay kumakain o umiinom o gumagawa ng anupaman, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.”​—1 CORINTO 10:31

Ano ang gagawin mo kapag hindi na maganda ang takbo ng pagtitipon?

“Meron akong exit plan. Kapag pumunta ako sa isang party, tinatawagan ko ang parents ko para sabihin kung anong oras ako darating sa bahay. Tapos, tinatanong nila ako kung maayos ba ang party. Kapag sinabi kong hindi, ipapaalala nila sa ’kin na marami pa akong dapat gawin sa bahay. Pagkatapos, sinasabi ko sa mga kaibigan ko na pinauuwi na ako ng parents ko.”​—Therese.

KARANASAN “Sa isang party, dalawang kabataang lalaki na hindi imbitado ang dumating, at ang isa sa kanila ay kilaláng nagda-drugs. Ayoko pa sanang umalis, pero tinawagan ko si Daddy at nagpasundo na ako.”​—Mary.

“Kung may dumarating na panganib, ang matalino’y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya’y napapahamak.”​—KAWIKAAN 22:3, MAGANDANG BALITA BIBLIA

Sino ang mangangasiwa sa pagtitipon?

“Kapag may mga adulto roon na titiyak na walang magiging problema, mas malamang na maging maganda ang pagtitipon.”​—Mark.

“Dati, nahihiya ako kapag kasama sa pagtitipon ang mga magulang ko. Pero ngayon, alam kong nando’n sila para tiyaking okey ang mga bagay-bagay. Hindi komo’t kasama ang mga magulang mo, hindi ka na mag-e-enjoy.”​—Laura.

“Magtaglay kayo ng isang mabuting budhi.”​—1 PEDRO 3:16

TANUNGIN ANG MGA MAGULANG MO

Itanong kung anong mga pagtitipon ang na-enjoy ng mga magulang mo noong kabataan pa sila. Ano ang babaguhin nila, kung mayroon man, sa mga pagtitipong isinaayos nila o dinaluhan?

NAGPAPLANO KA BA NG ISANG PAGTITIPON?

Ipakipag-usap ito sa mga magulang mo, at isiping mabuti kung . . .

  1. Sinu-sino ang iimbitahan

  2. Ilan ang pupunta

  3. Saan ito gaganapin

  4. Sino ang mangangasiwa

  5. Anu-anong aktibidad ang gagawin

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share