Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/12 p. 6-7
  • Praktikal na Maging Tapat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Praktikal na Maging Tapat
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahalagahan ng Pagiging Mapagkakatiwalaan
  • Iwasan ang Kuwestiyunableng Transaksiyon
  • Pagiging Tapat sa Kabila ng Mahinang Ekonomiya
  • Maging Mapagtapat sa Lahat ng Bagay
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ang Panggigipit na Maging Di-tapat
    Gumising!—2012
  • Maging Matapat sa Lahat ng Bagay
    Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Maging Tapat sa Lahat ng Bagay
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
Iba Pa
Gumising!—2012
g 1/12 p. 6-7

Praktikal na Maging Tapat

“Ang tinapay na natamo sa pamamagitan ng kabulaanan ay kalugud-lugod sa isang tao, ngunit pagkatapos ay mapupuno ng graba ang kaniyang bibig.”​—Kawikaan 20:17.

KAILANGAN ba talagang mandaya para magtagumpay sa paghahanapbuhay? Hindi. Sa katunayan, madalas na ang nandaraya mismo ang talo. Bakit? Dahil may pakinabang sa pagiging tapat. Ang matapat ay pinagkakatiwalaan, at mahalaga ito sa pangmatagalang tagumpay.

Ang Kahalagahan ng Pagiging Mapagkakatiwalaan

Ang reputasyon mo bilang taong tapat ay nakaaapekto sa iyong tagumpay​—alam mo man o hindi. Pinatutunayan iyan ng karanasan ni Franz, na sinipi sa naunang artikulo. “Noong bago pa lang ako sa trabaho,” ang sabi niya, “hindi ko alam na sinubok pala ng mga boss ko kung tapat ako. Nang bandang huli ko na lang nalaman na nakapasa ako. Dahil diyan, binigyan ako ng dagdag na responsibilidad at hindi gaanong hinigpitan. Binigyan din nila ako ng reward. Alam kong may ibang empleado na mas mahusay kaysa sa akin at mas matalino pa. Pero sa tingin ko, hindi nila ako aalisin sa kompanya dahil nagtitiwala sa akin ang mga boss ko.”

Iwasan ang Kuwestiyunableng Transaksiyon

Si David, ang businessman na sinipi sa naunang artikulo, ay nagsabi: “Habang tinitingnan ko ang mga indibiduwal na lumalabag sa tuntunin para sa pansamantalang pakinabang, naiisip ko, ‘Sisingilin din sila sa bandang huli.’ Sa ibang salita, tiyak na may lilitaw na problema kapag ang isa’y nandaya. Tinanggihan namin ang maraming oportunidad na kuwestiyunable. Marami sa mga kompanyang nasangkot doon ay wala na ngayon, at nademanda pa ang ilang indibiduwal. Naiwasan ng kompanya namin ang gayong trahedya.”

Noong sinisimulan ni Ken ang pagtatayo ng isang rantso ng baka sa timog-silangang Aprika, puwede sana niyang suhulan ang mga opisyal para mapabilis ang pag-aangkat ng mga produkto at makaiwas sa pagbabayad ng buwis. Sinabi niya: “Iyan ang karaniwang ginagawa ng maraming may-ari ng bakahan. Pero dahil hindi kami nandaya, inabot ng sampung taon bago namin napatakbo nang husto ang aming rantso. Sulit ba iyon? Oo! Ang mga nanuhol ay patuloy na kinulit ng tiwaling mga opisyal para magdagdag ng lagay.”

Pagiging Tapat sa Kabila ng Mahinang Ekonomiya

Kapag ang isang negosyo ay nanganganib na bumagsak, matindi ang panggigipit na mandaya. Pero makikita sa gayong mga sitwasyon na mahalaga ang reputasyon sa pagiging tapat.

Kuning halimbawa si Bill, isang kontratista na nalugi ang negosyo nang humina ang real estate sa Estados Unidos. Sinabi niya: “Na-bankrupt ang marami sa malalaki naming kostumer na libu-libong dolyar ang utang sa amin. Nang parang wala na kaming kapag-a-pag-asa, lumapit ako sa isang kakompetensiya para itanong kung puwede nila kaming bigyan ng trabaho. Pagkaraan lang ng dalawang araw, inalok nila ako ng trabaho pati ang karamihan sa mga empleado ko. Sinabi nila sa akin na kilalang-kilala ako sa mahusay na serbisyo at sa pagiging tapat.”

Ang lahat ng naglahad ng karanasan sa naunang mga artikulo ay mga Saksi ni Jehova. Ang mga pamantayan nila sa paghahanapbuhay, gaya sa iba pang pitak ng kanilang buhay, ay nakasalig sa Bibliya. Gaya ng makikita mo, sa halip na makahadlang sa tagumpay, nakatulong pa nga sa kanila ang pagiging tapat.

Pero may mga pagkakataon na parang may bentaha ang pandaraya. Gayunman, pera lang ba ang sukatan ng tagumpay?

[Blurb sa pahina 6]

Ang reputasyon mo bilang taong tapat ay nakaaapekto sa iyong tagumpay​—alam mo man o hindi

[Larawan sa pahina 7]

“Sinabi nila sa akin na kilalang-kilala ako sa mahusay na serbisyo at sa pagiging tapat.”​—Bill, Estados Unidos

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share