Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Pagkakaiba ng mga Larawan?
Alam mo ba kung ano ang tatlong pagkakaiba ng larawan A at B? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Kulayan ang mga larawan.
CLUE: Basahin ang 1 Samuel 16:1-3, 6-13.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
3. ․․․․․
4. Aling larawan ang tama, ang A o ang B?
PARA SA TALAKAYAN:
Ano ang tinitingnan ni Jehova sa isang tao? Ano ang ibig sabihin ng Bibliya sa mga salitang ‘tumitingin si Jehova sa kung ano ang nasa puso’?
CLUE: Basahin ang Jeremias 17:10.
Mahalaga ba kay Jehova ang panlabas na hitsura?
CLUE: Basahin ang Kawikaan 11:22; 31:30; 1 Pedro 3:3, 4.
Anong mga katangian ang magpapaganda sa iyo sa paningin ng Diyos?
CLUE: Basahin ang Lucas 10:27; 2 Pedro 1:5-8.
PARA SA PAMILYA:
Basahin ang Galacia 5:22, 23. Isulat sa kapirasong papel ang bawat isa sa siyam na katangian. Pumili ng isang miyembro ng pamilya at idikit sa kaniyang noo ang papel. Huwag ipakita sa kaniya kung ano ang nakasulat doon. Huhulaan niya ang katangian sa pamamagitan ng pagtatanong. ‘Oo’ o ‘Hindi’ lang ang puwedeng isagot ng ibang miyembro ng pamilya.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 15 DAVID
MGA TANONG
A. Si David at si Jesus ay parehong isinilang sa lunsod ng ․․․․․.
B. Noong kabataan si David, siya’y isang ․․․․․ na buong-tapang na pumatay ng isang ․․․․․ at isang ․․․․․.
C. Kumpletuhin ang sinabi ni David: “At ikaw, Solomon na aking anak, kilalanin mo ang . . . ”
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong mga 1000 B.C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Lumipat sa Jerusalem mula sa Betlehem
Betlehem
Jerusalem
Nakipaglaban kay Goliat sa mababang kapatagan ng Elah.—1 Samuel 17:2
Mababang kapatagan ng Elah
DAVID
MAIKLING IMPORMASYON
Anak ni Jesse at ikalawang hari ng Israel. Bilang isang mahusay na makata at manunugtog, sumulat si David ng mahigit 73 awit. Mapagpakumbaba niyang hiniling kay Jehova na patnubayan siya. (1 Samuel 23:2; 30:8; 2 Samuel 2:1) Sinabi ni Jehova na si David ay “isang lalaking kalugud-lugod sa [kaniyang] puso.”—Gawa 13:22.
MGA SAGOT
A. Betlehem (sa Judea).—Juan 7:42.
B. pastol, leon, oso.—1 Samuel 17:34, 35; Awit 78:70, 71.
C. “. . . Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang may sakdal na puso.”—1 Cronica 28:9.
Mga Tao at mga Lugar
5. Ako si Olivia, anim na taóng gulang. Nakatira ako sa Indonesia. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Indonesia? Ito ba ay 22,300, 42,800, o 63,900?
6. Saan ako nakatira? Bilugan ito. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Indonesia.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org
● Nasa pahina 22 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. Kambing ang nasa larawan A, pero baka ang nasa larawan B.
2. May babae sa larawan A, pero wala sa larawan B.
3. Sisidlang-balat ang nasa larawan A, pero sungay na may lamang langis ang nasa larawan B.
4. B.
5. 22,300.
6. D.