Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 6/12 p. 24-25
  • EURO 2012—Isang Makasaysayang Palaro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • EURO 2012—Isang Makasaysayang Palaro
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Magkakasamang Gagawa ng Kasaysayan”
  • Mga Paghahanda
  • Isang Timbang na Pananaw
  • Ang Euro—Bagong Pera Para sa Isang Lumang Kontinente
    Gumising!—1999
  • Isang Nagkakaisang Europa—Bakit Ito Mahalaga?
    Gumising!—2000
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Talaga Bang Magkakaisa ang Europa?
    Gumising!—2000
Iba Pa
Gumising!—2012
g 6/12 p. 24-25

EURO 2012​—Isang Makasaysayang Palaro

NAG-E-ENJOY ka bang manood ng soccer​—o baka naglalaro ka pa nga nito? Kung gayon, malamang na alam mo ang tungkol sa UEFA (Union of European Football Associations) EURO 2012, isang palaro na magsisimula sa Hunyo 8, sa Warsaw, Poland, at magtatapos sa Hulyo 1, sa Kiev, Ukraine. Ano ba ang EURO 2012, at anong mga paghahanda ang ginagawa para dito? Bakit ito isang makasaysayang palaro?

“Magkakasamang Gagawa ng Kasaysayan”

Idinaraos sa Europa ang kampeonato ng football (soccer) tuwing ikaapat na taon mula noong 1960. Kabilang sa mga bansang naging host na ng palarong ito ang Austria, Belgium, England, France, Germany, Italy, Netherlands, Portugal, Spain, Sweden, Switzerland, at Yugoslavia.

Sa taóng ito, ang panghuling torneo ay gaganapin sa Poland at Ukraine. Sa Poland, ang mga lunsod ng Gdańsk, Poznan, Warsaw, at Wroclaw ang magiging host ng palaro. Sa Ukraine naman, gaganapin ito sa Donetsk, Kharkiv, Kiev, at L’viv.

Ayon sa UEFA, ito “ang ikatlong pagkakataon na dalawang bansa ang magiging host ng panghuling torneo (ang Belgium/Netherlands noong 2000 [at] ang Austria/Switzerland noong 2008).” Pero masasabi pa ring makasaysayan ang EURO 2012. Bakit? Sa taóng ito, ang panghuling torneo ay hindi lang resulta ng malaking pagtutulungan ng dalawang host na bansa at ng mga tagapag-organisa ng palaro kundi ito rin ang unang pagkakataon na gaganapin iyon sa Gitna at Silangang Europa. Kaya naman ang napiling islogan para sa palarong ito ay “Magkakasamang Gagawa ng Kasaysayan.”

Mga Paghahanda

Siyempre pa, ang isa sa pinakamahalagang paghahanda para sa mga laro ay ang pagkuha ng angkop na pasilidad. Kaya naman ni-renovate ng mga lunsod ng Poznan at Kharkiv ang kanilang mga istadyum, at nagtayo ng mga bagong istadyum ang anim na iba pang lunsod. Tinatayang mga 358,000 katao ang magkakasiya sa mga pasilidad na ito.

Dahil napakarami ang inaasahang manonood, ang mga host na lunsod ay nagpaplano nang husto para matiyak ang seguridad ng palarong ito. Libu-libong security staff ang nagsasanay na para dito. Ayon sa Science & Scholarship in Poland, sila ay “nag-eensayo ng mga taktikang panseguridad para sa 140 proyekto na sumasaklaw sa pagkontrol sa maraming tao, pagsasaayos ng mga ligtas na lugar, at pakikipagtulungan sa security team ng ibang mga bansa.”

Bakit kailangan ang gayong pag-iingat? Una, alam ng mga awtoridad na puwedeng samantalahin ng mga terorista ang malalaking palarong ito. At alam din nila ang panganib na magkagulo ang mga mánonoód, gaya ng ipinakikita ng mararahas na insidente sa nagdaang mga palaro.

Isang Timbang na Pananaw

Nakalulungkot, maraming mánonoód ang panatiko sa isport na ito. “Malungkot ako at hindi kontento kapag natatalo ang paborito kong [soccer] team,” ang sabi ng isang fan. “Sa totoo lang, kung talagang magkakaroon na ng nuklear na digmaan, ang una kong ikababahala ay kung makakaapekto iyon sa mga laro sa darating na weekend.”

Kabaligtaran nito, isaalang-alang ang timbang na pananaw sa paglilibang na mababasa sa isang sinaunang aklat ng karunungan​—ang Bibliya. Binabanggit nito na ang mabubuting libangan ay kailangan sa buhay, anupat sinasabing may “panahon ng pagtawa . . . at panahon ng pagluksu-lukso.” (Eclesiastes 3:1-4) Pero ipinapayo rin ng Bibliya na dapat maging katamtaman sa lahat ng bagay. (1 Timoteo 3:2, 11) Kaya pagdating sa pagpili ng magiging priyoridad sa buhay, isang katalinuhan na sundin natin ang payo ng Bibliya na ‘piliin ang pinakamahalaga sa lahat ng bagay.’​—Filipos 1:10, Magandang Balita Biblia.

[Kahon/Larawan sa pahina 25]

BAWAL MANIGARILYO SA EURO 2012

Noong Oktubre 20, 2011, ipinatalastas ng UEFA na “ipagbabawal nito ang paggamit, pagtitinda, o pag-aanunsiyo ng sigarilyo sa lahat ng istadyum na gagamitin sa UEFA EURO 2012.” Bakit kaya? “Ang hindi paninigarilyo sa EURO 2012 ay paggalang sa kalusugan ng aming mga mánonoód at ng lahat ng iba pang kasama sa torneo,” ang sabi ni Michel Platini, presidente ng UEFA. Isa sa mga sumusuporta sa pagbabawal ang European Commissioner na si Androulla Vassiliou, na humimok sa mga pagdarausang lunsod na isama sa smoke-free zone ang iba pang lugar, gaya ng mga restawran at pampublikong sasakyan. “Ang football at isport ay para sa kalusugan at kahusayan,” ang sabi ni Vassiliou, “samantalang ang paninigarilyo ay nakakasira ng kalusugan; hindi puwedeng pagsamahin ang mga ito.”

[Mapa sa pahina 24]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

POLAND

WARSAW

Gdańsk

Poznan

Wroclaw

UKRAINE

KIEV

L’viv

Kharkiv

Donetsk

[Larawan sa pahina 24]

Huling laro sa pagitan ng Germany at Spain sa EURO 2008, na ginanap sa Ernst Happel Stadium sa Vienna, Austria

[Larawan sa pahina 25]

Ang Olympic Stadium sa Kiev, Ukraine

[Picture Credit Line sa pahina 25]

Pages 24 and 25, both photos: Getty Images

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share