Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 6/12 p. 28
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gaano Karami ang mga Species sa Lupa?
  • Arkeolohiya sa Tulong ng Satelayt
  • Ang Masalimuot na Kawing ng Buhay
    Gumising!—2001
  • Nanganganib Malipol na “Species”—Ang Lawak ng Problema
    Gumising!—1996
  • Tao Laban sa Kalikasan
    Gumising!—2001
  • Kung Bakit Nasa Panganib ang mga “Species”
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2012
g 6/12 p. 28

Pagmamasid sa Daigdig

Ang populasyon ng daigdig ay lumampas na sa 7 bilyon noong pagtatapos ng 2011, “mula sa 6 na bilyon noong 1999.”​—HARVARD SCHOOL OF PUBLIC HEALTH, E.U.A.

“Sinabi ng 58.8% ng mga tao sa [United Kingdom] na makabubuti sa kanilang pamilya kung may panahon na hindi sila gagamit ng teknolohiya anupat nakasara ang lahat ng elektronikong gadyet at telepono. . . . Isa sa bawat tatlong tao ang suyang-suya na sa makabagong mga kagamitan sa komunikasyon anupat nadaramang kailangan na nilang makaalpas mula rito.”​—UNIVERSITY OF CAMBRIDGE, BRITAIN.

“Mula pa noong 1976, ang komperensiya ng mga obispong Katoliko sa Amerika ay naglalabas na ng mga pahayag . . . isang taon bago ang eleksiyon sa pagkapresidente para tulungan ang mga Katoliko na gamitin ang kanilang pananampalataya sa pagpili ng kandidato.”​—FORDHAM UNIVERSITY, E.U.A.

“Kung gugustuhin ng sapat na bilang ng mga kriminal na gumawa ng malaking gulo sa mga kalye, magagawa nila. . . . Nawalan na ng pamantayang moral ang isang minorya ng mga kabataang Briton, isang maliit na grupo pero may sapat na dami para takutin at hiyain ang bansa.”​—THE ECONOMIST, BRITAIN.

Gaano Karami ang mga Species sa Lupa?

“Talagang hindi pa natin alam kung gaano karaming species ang umiiral, na nagpapakitang kulang na kulang ang kaalaman natin tungkol sa buhay sa Lupa,” ayon sa ilang siyentipiko na nag-ulat ng kanilang research sa magasing PLoS Biology. Bagaman tinataya nilang may 8.7 milyong species na nabubuhay o humigit-kumulang sa bilang na iyan, sinasabi ng ibang eksperto na ito’y nasa pagitan ng 3 milyon at 100 milyon. Sa ngayon, mga 1.2 milyon lang ang naklasipika, at ipinapalagay na sa kasalukuyang bilis ng pagkaklasipika, aabutin ng mahigit 1,000 taon para mairekord din ang iba pa. “Dahil sa mabagal na pagklasipika sa mga species, mauubos na ang iba bago pa man natin malaman na umiiral sila,” ang sabi ng mga mananaliksik.

Arkeolohiya sa Tulong ng Satelayt

Ang mga arkeologo ay may ginagamit na bagong paraan para makahanap ng mga lugar na gusto nilang pag-aralan. Gumagamit sila ng mga computer program para ma-interpret ang mga high-resolution at infrared na larawang kuha ng mga satelayt. Halimbawa, ang mga larawang kuha sa Ehipto sa taas na 700 kilometro ay iniulat na nakadetek ng lokasyon ng 17 di-pa-natutuklasang piramide, 1,000 sinaunang libingan, at mga 3,000 naglahong pamayanan. Dahil kayang matagos ng infrared photography ang ilalim ng lupa, nadedetek nito ang sinaunang mga istraktura na natabunan na ng lupa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share