Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 7/12 p. 28-29
  • Huwag Kalimutang Magsabi ng Salamat!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Huwag Kalimutang Magsabi ng Salamat!
  • Gumising!—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kaligayahan sa Pagbibigay na Pinalalaki ng Pagtanggap na May Pasasalamat
    Gumising!—1987
  • Ang Paghahanap ng Pinakamagandang Regalo
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Bakit Dapat Magpasalamat?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Ang Pinakadakilang Regalo”
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—2012
g 7/12 p. 28-29

Huwag Kalimutang Magsabi ng Salamat!

KAILAN ka huling nakatanggap ng thank-you card? Kailan ka naman huling nagpadala nito?

Sa panahong ito na usung-uso ang Internet, bihira na lang ang gumagawa ng sulat para magpasalamat. Pero ang paggawa ng maikling liham ay isang magandang paraan para ipaalam sa iba na pinasasalamatan mo sila sa kanilang kabaitan. Narito ang ilang mungkahi kung paano mo gagawin iyan.

1. Gawin itong sulat-kamay para mas personal.

2. Banggitin ang pangalan ng padadalhan.

3. Kung nakatanggap ka ng regalo, banggitin kung ano iyon at kung paano mo gagamitin.

4. Ulitin ang pasasalamat sa pagtatapos ng iyong liham.

Ang isang maikling mensahe ng pasasalamat ay nakapagpapasaya sa tumatanggap nito.

Kaya sa susunod na may magpatulóy, magpakita ng kabaitan, o magregalo sa iyo, ipakitang pinahahalagahan mo iyon. Huwag kalimutang magsabi ng salamat!

[Kahon/Mga larawan sa pahina 28, 29]

Dear Tita Mary, (2)

Maraming salamat po sa alarm clock! (3) Ginagamit ko na po ito dahil lagi akong tinatanghali ng gising. Natutuwa po ako na dumalaw kayo noong nakaraang linggo, at sana’y nakauwi kayo nang maayos. Sana po magkita tayo uli.

Salamat po uli sa magandang regalo! (4)

Ang inyong pamangkin,

John

[Larawan]

(1)

[Kahon sa pahina 29]

MGA TIP

● Kung pera ang ibinigay, huwag banggitin kung magkano iyon. Puwedeng sabihin na lang: “Salamat po sa perang ibinigay ninyo. Plano ko pong gamitin ito sa . . .”

● Banggitin lang ang tungkol sa regalo at ang pasasalamat mo rito. Hindi mo na kailangang ikuwento ang tungkol sa bakasyon mo o ang pagpunta mo sa ospital kamakailan.

● Huwag nang sabihin kung may naging problema ka sa regalo. Halimbawa, hindi na magandang isulat pa, “Salamat sa toaster​—wala na nga lang itong lugar sa kusina ko!”

[Kahon sa pahina 29]

Hinihimok tayo ng Bibliya na maging mapagpasalamat. (Lucas 17:11-19) Pinapayuhan tayo nito na ‘manalangin nang walang lubay’ sa Diyos, at sinabi pa: “May kaugnayan sa lahat ng bagay ay magpasalamat kayo.”​—1 Tesalonica 5:17, 18.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share