Repaso Para sa Pamilya
Ano ang Kulang sa Larawang Ito?
Basahin ang Genesis 1:21-28. Ngayon, tingnan mo ang larawan. Anu-ano ang kulang sa larawan? Isulat sa ibaba ang iyong mga sagot. Pagdugtung-dugtungin ang mga tuldok para makumpleto ang larawan, at kulayan ito.
1. ․․․․․
2. ․․․․․
[Dayagram]
(Tingnan ang publikasyon)
PARA SA TALAKAYAN:
Sino ang kausap ng Diyos nang sabihin niya, “Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis”?
CLUE: Basahin ang Juan 17:1, 5; Colosas 1:15, 16.
Sa anong paraan ginawa ang tao ayon sa larawan ng Diyos?
CLUE: Basahin ang Colosas 3:10; 1 Pedro 1:16.
Anong mga katangian ng Diyos na Jehova at ni Jesus ang pinakagusto mo? Paano mo matutularan ang kanilang mga katangian?
CLUE: Basahin ang Efeso 4:31, 32; 1 Juan 4:7, 8.
PARA SA PAMILYA:
Isulat ang limang hayop na paborito mo. Gaya ni Adan, bigyan mo sila ng bagong pangalan batay sa kanilang hitsura, ingay, o kilos. Basahin nang malakas ang bago nilang pangalan, at tingnan kung mahuhulaan ng iyong pamilya kung anong hayop iyon.
Ipunin at Pag-aralan
Gupitin, tiklupin, at ingatan
BIBLE CARD 19 PABLO
MGA TANONG
A. Para suportahan ang kaniyang ministeryo, si Pablo ay naging tagagawa ng ․․․․․.
B. Si apostol Pablo ay nagturo sa mga tao “nang hayagan at sa . . .”
C. Binuhay-muli ni Pablo ang kabataang si ․․․․․.
[Chart]
4026 B.C.E. Nilalang si Adan
Nabuhay noong unang siglo C.E.
1 C.E.
98 C.E. Isinulat ang huling aklat ng Bibliya
[Mapa]
Isinilang sa Tarso. Siya’y naging misyonero sa Europa at Asia Minor
EUROPA
Roma
ASIA MINOR
Tarso
Jerusalem
PABLO
MAIKLING IMPORMASYON
Dating mang-uusig ng mga Kristiyano pero nakumberte at naging apostol sa mga bansa. Ginamit siya ni Jehova para isulat ang 14 na aklat ng Kristiyanong Griegong Kasulatan. Naglakbay siya nang libu-libong kilometro bilang misyonero at nagtatag ng mga kongregasyon sa Europa at Asia Minor.—Roma 11:13; 1 Timoteo 1:12-16.
MGA SAGOT
A. mga tolda.—Gawa 18:3-5.
B. “. . . bahay-bahay.”—Gawa 20:20.
C. Eutico.—Gawa 20:7-12.
Mga Tao at mga Lugar
3. Kami sina Maté, 7 taon, at Nia, 8 taon. Nakatira kami sa Republika ng Georgia. Mga ilang Saksi ni Jehova ang nakatira sa Republika ng Georgia? Ito ba ay 10,000, 17,000, o 26,000?
4. Bilugan ang marka kung saan kami nakatira. Markahan ang lugar kung saan ka nakatira, at tingnan kung gaano ka kalayo sa Republika ng Georgia.
A
B
C
D
Mga Bata, Hanapin ang Larawan
Saang mga pahina makikita ang mga larawang ito? Masasabi mo ba kung ano ang nangyayari sa bawat larawan?
Kung gusto ninyong mag-print ng karagdagang kopya ng “Repaso Para sa Pamilya,” pumunta sa www.jw.org
● Nasa pahina 26 ang mga sagot sa “REPASO PARA SA PAMILYA”
MGA SAGOT SA PAHINA 30 AT 31
1. May-pakpak na lumilipad na nilalang.
2. Mailap na hayop.
3. 17,000.
4. B.