Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 8/12 p. 4-5
  • Nahuhumaling sa Karahasan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nahuhumaling sa Karahasan
  • Gumising!—2012
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Makakaimpluwensiya ba sa Iyo ang Karahasan sa Media?
  • Ano ang Nadarama ng Diyos Hinggil sa Karahasan?
    Gumising!—2002
  • Karahasan
    Gumising!—2015
  • TV—Ang “Tusong Tagapagturo”
    Gumising!—2006
  • Ating Mapanganib na Panahon—Bakit Napakarahas?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
Iba Pa
Gumising!—2012
g 8/12 p. 4-5

Nahuhumaling sa Karahasan

SA NGAYON, gustung-gusto ng mga tao ang karahasan. Noon pa man, itinatampok na ito sa mga libangan. Pero “nitong nakaraang mga taon,” ang sabi ng Media Awareness Network, “may ipinagbago ang karahasan sa media. Mas dumami pa ito.” At ito ay “lalong mas lantaran, mas mahalay, at mas sadistiko.” Isaalang-alang ang mga sumusunod.

Musika: Ang mga awiting nagtatampok ng mararahas na liriko ay “naging pangkaraniwan na lang sa industriya ng musika,” ang sabi ng nabanggit na reperensiya. Gamit ang masasamang salita, itinatampok ng ilang awitin ang pagpatay at panggagahasa, maging sa mga asawa at ina.

Video Game: “Nakalulungkot, halos puro patayan ang laman ng mga video game,” ang sabi ng isang magasin sa Britain tungkol sa mga video game. Sinabi pa nito: “Sa paanuman, magugustuhan mo ang mga video game kung mahilig ka sa karahasan.” Halimbawa, sa isang popular na laro, ang mga manlalaro ay parang nanggugulpi ng mga babae hanggang sa mamatay ang mga ito gamit ang pamalo ng baseball. Naniniwala ang ilang eksperto na dahil interactive ang mga video game, mas malakas ang impluwensiya nito sa mga bata kaysa sa TV.

Pelikula: Ipinakikita ng mga pag-aaral na dumami nang husto ang karahasan, sex, at pagmumura sa mga pelikula, at hindi laging maaasahang basehan ang mga rating na ibinibigay sa mga ito. Bukod diyan, hindi lang ang mga “kontrabida” ang mararahas. Ayon sa isang pag-aaral, halos kalahati ng mga karahasang makikita sa TV, pelikula, at mga music video ay ginawa ng mga “bida.”

Balita: “Kung madugo, ulong-balita ito.” Iyan ang patakaran ng maraming prodyuser ng balita sa TV. Malaking negosyo ang pagbabalita, at alam ng mga tagapagbalita na ang karahasan ay humahatak ng mánonoód, at kapag marami ang mánonoód, umaakit ito ng maraming advertiser, na siyang gumagastos sa mga programa sa TV sa maraming bansa.

Web Site: Makikita sa Internet ang sari-saring larawan at video ng pagpapahirap, pagputol sa mga bahagi ng katawan ng tao, at pagpatay, aktuwal man ito o hindi. Maraming bata ang pumupunta sa mga site na ito.

Makakaimpluwensiya ba sa Iyo ang Karahasan sa Media?

May impluwensiya ba sa mga tao ang karahasang itinatampok sa telebisyon, pelikula, aklat, musika, at iba pang libangan? Madalas na ikinakatuwiran ng mga kumikita sa karahasan sa media na hindi naman ito nakasásamâ. Pero pag-isipan ito: Para impluwensiyahan ang isip ng mga tao, ang mga kompanya ay nagbabayad ng bilyun-bilyong dolyar para sa mga komersiyal na mga 30 segundo lang ang haba. Kung gayon, iisipin mo ba na ang isa-at-kalahating-oras na pelikula, na may imoral at mararahas na bida, ay walang gaanong epekto o wala talagang epekto sa mga tao, lalo na sa mga bata na madaling maniwala?

Mas alam ng ating Maylalang, ang Diyos na Jehova, ang kayarian ng tao. Ano ang sinabi niya tungkol sa pakikisama sa mararahas na tao​—kasali na yaong mga napapakinggan at napapanood natin sa mass media? Pag-isipan ang sumusunod na mga talata sa Bibliya:

● “Si Jehova ang sumusuri sa matuwid at gayundin sa balakyot, at ang sinumang umiibig sa karahasan ay kinapopootan nga ng Kaniyang kaluluwa.”​—Awit 11:5.

● “Huwag kang makikisama sa sinumang madaling magalit; at sa taong magagalitin ay huwag kang sasama, upang hindi mo matutuhan ang kaniyang mga landas at magdala nga ng silo sa iyong kaluluwa.”​—Kawikaan 22:24, 25.

Siyempre pa, hindi natin maiiwasan ang lahat ng masamang impluwensiya. Pero puwede tayong pumili ng mga kaibigan at libangan. Kaya tanungin ang sarili, ‘Ano ba ang gusto kong maging personalidad?’ Kung gayo’y makipagkaibigan ka sa mga taong may gayong personalidad, mga taong ang tunguhin at pamantayan ay kapareho ng gusto mo.​—Kawikaan 13:20.

Bukod sa pinipili nating mga kasama at libangan, may iba pang mga bagay na puwedeng makaimpluwensiya sa saloobin natin sa karahasan. Ano kaya ang mga ito?

[Larawan sa pahina 4]

Ang pinipili nating libangan ay maaaring makaimpluwensiya sa saloobin natin sa karahasan

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share