PAGMAMASID SA DAIGDIG
Daigdig
Hindi basta produksiyon ng pagkain ang sagot sa problema sa gutom. Sa ngayon, tinataya na may sapat na produksiyon ng pagkain para sa 12 bilyon katao—mas mataas ng 5 bilyon kaysa sa populasyon ngayon ng daigdig. Ang problema ay pangunahin nang may kaugnayan sa ekonomiya, pamamahagi ng pagkain, at pagtatapon nito.
Britain at Estados Unidos
Halos sangkapat (24 na porsiyento) ng mga propesyonal mula sa pinansiyal na sektor ang naniniwala na “baka kailangan nilang mandaya o gumawa ng ilegal na transaksiyon para magtagumpay.” Inamin naman ng 16 na porsiyento na lalabag sila sa batas “kung hindi sila mahuhuli.”
Argentina
Sa Argentina, 3 sa bawat 5 guro ang nagpa-file ng bakasyon dahil sa stress o karahasan sa iskul.
South Korea
Malapit nang dumating ang panahon na magiging pangkaraniwan na lang sa mga taga-South Korea ang mamuhay nang mag-isa.
China
Ipinapalagay na dalawang-katlo ng mga lunsod sa China ang hindi makaaabot sa standard ng gobyerno para sa malinis na hangin na ipatutupad sa taóng 2016. Bukod diyan, karamihan ng tubig na nakukuha sa ilalim ng lupa ay sinasabing “marumi o napakarumi.”