Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 9/13 p. 3
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2013
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Artiko
  • Daigdig
  • Britain
  • Democratic Republic of Congo
  • Australia
  • Pagdalaw sa Great Barrier Reef
    Gumising!—1991
  • Ang Belize Barrier Reef—World Heritage na Lugar
    Gumising!—2007
  • Korales—Nanganganib at Namamatay
    Gumising!—1996
  • Namamatay na mga Bahura ng Korales—May Pananagutan ba ang mga Tao?
    Gumising!—1996
Iba Pa
Gumising!—2013
g 9/13 p. 3

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Artiko

“Ang dami ng yelo tuwing tag-araw ay 25 porsiyento na lang kaysa noong nakalipas na 30 taon,” ang sabi ni Peter Wadhams, propesor ng ocean physics sa University of Cambridge, Britain. Noong 2012, mga 50 barko ang nakapaglayag sa Northern Sea Route na puwede nang daanan dahil sa pag-init ng globo.

Daigdig

Ang gatas ng mga ina, ilang araw pagkapanganak nila, ay natuklasang may mahigit 700 uri ng baktirya​—⁠higit pa sa inaasahan ng mga eksperto. Patuloy na inaalam ng mga mananaliksik ang biyolohikal na pakinabang na dulot nito sa mga sistema ng panunaw at imyunidad ng bagong-silang na sanggol.

Britain

Sa isang isinagawang pag-aaral ng mga siyentipikong Britano gamit ang simulated driving, natuklasan nilang mas mabagal ang reaksiyon ng mga drayber na sinisipon kaysa sa mga nakainom.

Democratic Republic of Congo

Ang Aprika ay dumaranas ngayon ng tinatawag ng ilan na “pinakamatinding” pagpatay sa libu-libong elepante taun-taon dahil sa kanilang garing, o ivory. Sa isang insidente, ilang elepante ang may tama ng baril sa tuktok ng ulo, anupat maliwanag na binaril ang mga ito mula sa isang helikopter.

Australia

Kalahati sa mga korales ng Great Barrier Reef ang namatay sa nakalipas na 27 taon. Sinisisi ng mga siyentipiko ang malalakas na bagyo, paninira ng crown-of-thorns starfish [Acanthaster planci], at ang pamumuti ng mga korales dahil sa pagtaas ng temperatura sa karagatan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share