Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 10/13 p. 16
  • Ang Kamangha-manghang Pandinig ng Katydid

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kamangha-manghang Pandinig ng Katydid
  • Gumising!—2013
  • Kaparehong Materyal
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2013
  • Ang Iyong Tainga—Ang Kahanga-hangang Tagapagpatalastas
    Gumising!—1990
  • Tainga, Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Pandinig
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—2013
g 10/13 p. 16

MAY NAGDISENYO BA NITO?

Ang Kamangha-manghang Pandinig ng Katydid

WALA pang isang milimetro ang haba ng tainga ng South American bush katydid (Copiphora gorgonensis), pero gumagana itong gaya ng tainga ng tao. Ang insektong ito ay nakakakilala ng napakaraming iba’t ibang frequency na nasa malayo. Halimbawa, alam nito ang pagkakaiba ng tunog ng ibang katydid at ng ultrasound ng paniking naninila.

Pag-isipan ito: Ang mga tainga ng katydid ay nasa dalawang unahang binti nito. Tulad ng tainga ng tao, ang tainga ng katydid ay nangongolekta ng tunog, kino-convert iyon, at sinusuri ang frequency. Pero natuklasan ng mga siyentipiko ang isang kakaibang sangkap sa loob ng tainga ng insektong ito​—⁠isang pressurized na butas na punô ng likido at parang pahabang lobo. Ang sangkap na ito, na tinawag nilang acoustic vesicle, ay gumaganang tulad ng cochlea ng mga mamalya pero di-hamak na mas maliit dito. Ang acoustic vesicle ang siyang dahilan ng kamangha-manghang pandinig ng katydid.

Sinasabi ni Propesor Daniel Robert, ng School of Biological Sciences ng University of Bristol sa United Kingdom, na ang tuklas na ito ay tutulong sa mga inhinyero na “magdisenyo ng mga hearing device na kinopya sa kalikasan, na mas maliit at mas malinaw kaysa sa dati.” Naniniwala ang mga mananaliksik na makatutulong din ito sa teknolohiya ng ultrasonic engineering, pati na sa mga imaging system para sa mga ospital.

Ano sa palagay mo? Ang kamangha-manghang pandinig ba ng katydid ay resulta ng ebolusyon? O may nagdisenyo nito?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share