Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 2/14 p. 3
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Estados Unidos
  • Italy
  • Malaysia
  • Aprika
  • Australia
  • Ang “Walrus” at ang Kalakalan ng Droga
    Gumising!—1990
  • Mga Pagsulong sa Paglaban sa AIDS
    Gumising!—2004
  • Lunas sa AIDS—Kailangang-kailangan!
    Gumising!—2004
  • Mga Sakit na Nakahahawa—Mapanganib Ngunit Maiiwasan
    Gumising!—2001
Iba Pa
Gumising!—2014
g 2/14 p. 3

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Estados Unidos

“Sa bawat empleadong naninigarilyo, ang isang pribadong kompanya . . . ay nagkakagastos ng karagdagang $5,816 taun-taon kumpara sa empleadong di-naninigarilyo,” ang sabi sa report ng New York Times. Ayon sa impormasyong nakolekta ng mga researcher sa Ohio State University, ang karagdagang gastos na ito ay resulta ng pagbe-break para manigarilyo, mas malaking gastos para sa pangangalaga sa kalusugan, at madalas na pag-absent. Ang isa pang dahilan ay ang pagiging di-produktibo ng empleado, malamang na dahil sa mga epektong nararanasan niya kapag hindi nakapanigarilyo.

Italy

Pope Francis

“Dahil hindi ginagawa ng mga pastor at ng mga mananampalataya ang kanilang sinasabi, at hindi rin nakikita sa kanilang buhay ang kanilang ipinangangaral, nasisira ang kredibilidad ng Simbahan.”​—Pope Francis.

Malaysia

Kontrabandong ivory nasabat ng mga awtoridad sa Malaysia

Nasabat ng mga awtoridad sa Malaysia ang 24 na tonelada ng kontrabandong ivory, o garing​—mahigit 1,000 pangil ng elepante⁠—na nakatago sa dalawang kargamento ng mahogany. Ayon sa mga conservationist, ito ang pinakamaraming nasabat na ivory. Ang kargamento ay nanggaling sa Togo at dadalhin sana sa China.

Aprika

Lalaking Aprikano

Ayon sa 2012 report ng World Health Organization, 63 porsiyento ng kamatayan ay dahil sa nakahahawang sakit​—pangunahin na ang HIV/AIDS, sakit na nauugnay sa diarrhea, malarya, tuberkulosis, at mga sakit na pambata.

Australia

Simulated-gambling app sa smartphone

Ang mga simulated-gambling app (application) para sa mga smartphone at iba pang gadyet ay nagiging popular sa mga bata. May ilang app na parang totoong laro sa casino pero mas madaling ipanalo. Nagbababala ang isang report ng gobyerno na dahil sa mga larong ito, baka maging normal na lang sa mga bata ang pagsusugal “at baka maging sugarol sila paglaki nila.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share