Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 4/14 p. 3
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—2014
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Estados Unidos
  • Daigdig
  • Midway Island
  • South Africa
  • Ang Pagbabalik ng Malaking Puting Ibon
    Gumising!—1998
  • “Ang Pinakamagaling Lumipad sa Buong Daigdig”
    Gumising!—2010
  • Ano ang Kinabukasan Para sa Albatros?
    Gumising!—1997
  • Pagsubaybay sa Albatross
    Gumising!—1991
Iba Pa
Gumising!—2014
g 4/14 p. 3

PAGMAMASID SA DAIGDIG

Estados Unidos

Synchronized na mga ilaw-trapiko sa kalsada ng isang lunsod

Isinaayos ng lunsod ng Los Angeles, California, na gawing synchronized ang lahat ng halos 4,500 ilaw-trapiko nito na nakakalat sa lawak na mga 1,215 kilometro kuwadrado. Ayon sa The New York Times, ang Los Angeles ang “kauna-unahang pangunahing metropolis sa mundo na gumawa nito.”

Daigdig

Ayon sa pagsusuri tungkol sa kalusugan sa daigdig, 82 porsiyento ang itinaas ng bilang ng mga taong obese sa pagitan ng 1990 at 2010. Mahigit tatlong ulit na mas marami ang namamatay dahil sa sobrang timbang kaysa sa malnutrisyon​—bagaman problema pa rin sa maraming lupain ang kakulangan sa pagkain. Sa totoo lang, “20 taon ang nakalilipas, hindi sapat ang pagkain ng mga tao. Ngayon namang napakaraming pagkain at di-masusustansiyang pagkain​—kahit sa papaunlad na mga bansa​—nagkakasakit tayo,” ang sabi ni Majid Ezzati, isa sa mga nanguna sa pagsusuri.

Midway Island

Isang Laysan albatross

Ang Laysan albatross, naiulat na “kilaláng pinakamatandang mailap na ibon sa mundo,” ay nangitlog na naman at naparagdag ito sa kaniyang maraming sisiw. Ang edad ng ibong ito? Nilagyan siya ng tag noong 1956 nang siya ay halos limang taon pa lang. Kaya ngayon, mahigit na siyang 60 taóng gulang. Sa buong buhay ng albatross na ito, malamang na nakalipad na siya ng tatlo hanggang apat na milyong kilometro​—katumbas ng apat hanggang anim na paglalakbay nang balikan mula sa mundo papuntang buwan.

South Africa

Babaeng taga-South Africa na nagpapahid ng pampaputi sa balat

Ayon sa isang pag-aaral, sangkatlo ng mga babaing taga-South Africa ang gumagamit ng mga sabon at cream na pampaputi ng balat. Ang mga pampaputing ito ay mapanganib, kung kaya ipinagbawal ito sa ilang bansa. Nagiging sanhi ito ng iba’t ibang uri ng kanser, pagkasira ng kidney, depresyon, pagkabalisa, mga butlig, pilat, at iba pa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share