Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g16 Blg. 5 p. 10-11
  • Ang Kamangha-manghang Elemento

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kamangha-manghang Elemento
  • Gumising!—2016
  • Kaparehong Materyal
  • Carbon Monoxide—Ang Tahimik na Mamamatay-Tao
    Gumising!—2000
  • Ang mga Elemento ba’y Basta Lumitaw na Lamang?
    Gumising!—2000
  • Mga Siklo na Mahalaga sa Buhay
    Gumising!—2009
  • Ano ang Maaaring Gawin?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—2016
g16 Blg. 5 p. 10-11

Ang Kamangha-manghang Elemento

Mga atom ng karbon

“Ang karbon ang pinakamahalagang elemento para mabuhay,” ang sabi ng aklat na Nature’s Building Blocks. Dahil sa pambihirang katangian ng karbon, nagagawa nitong dumikit sa isa pang karbon o sa iba pang kemikal na elemento. Kaya milyon-milyong kombinasyon ng mga elemento, o compound, ang nabubuo. Marami sa mga ito ay nadidiskubre pa lang o sadyang binubuo.

Gaya ng makikita sa ibaba, ang pinagsamang mga atom ng karbon ay nakabubuo ng iba’t ibang hugis, kasama rito ang tanikala, piramide, singsing, sapin, at tubo. Talagang kamangha-mangha ang karbon!

DIAMANTE

Diamante

Ang mga atom ng karbon ay nakabubuo ng piramide na tinatawag na tetrahedron. Napakatibay ng mga ito, kaya ang diamante ang kinikilalang pinakamatigas na nabubuong substansiya sa lupa. Sa katunayan, ang isang napakagandang diamante ay isang molekula na binubuo ng mga atom ng karbon.

GRAPITO

Marka ng lapis

Ang mga atom ng karbon na mahigpit ang pagkakadikit ay nakaayos na parang mga sapin pero maluwag ang pagkakasuson-suson, kaya dumadausdos ang mga ito na gaya ng pinagpatong-patong na mga papel. Dahil sa mga katangiang ito, ang grapito ay mahusay na lubrikante at mahalagang substansiya sa lapis.a

GRAPHENE

Marka ng lapis

Ito ay isang sapin ng mga atom ng karbon. Ang pagkakaayos ng mga atom ng karbon nito ay nakabubuo ng hugis-hexagon. Ang tibay ng graphene kapag nababanat ay di-hamak na mas matindi kaysa sa bakal. Ang marka ng lapis ay maaaring may kaunting graphene.

FULLERENES

Fullerenes

Ang hungkag na mga molekulang ito ng karbon ay may iba’t ibang hugis, gaya ng napakaliliit na bola at tubo na tinatawag na nanotube. Sinusukat ito sa nanometer, o ika-isang bilyong bahagi ng isang metro.

NABUBUHAY NA MGA ORGANISMO

Nabubuhay na mga selula na may karbon

Ang maraming selulang bumubuo sa halaman, hayop, at tao ay gawa sa mga substansiyang may karbon, gaya ng carbohydrates, fats, at amino acid.

‘Ang di-nakikitang mga katangian ng Diyos ay napag-uunawa sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa.’—Roma 1:20.

a Tingnan ang artikulong “May Lapis Ka Ba Diyan?” sa Gumising!, isyu ng Hulyo 2007.

Bituin

Karbon—Produkto ng Napakaeksaktong Kondisyon sa Loob ng Bituin

Ang karbon ay nabubuo kapag nagsama-sama ang tatlong nukleo na helium. Naniniwala ang mga siyentipiko na nagaganap ito sa loob ng mga bituing tinatawag na red giant. Pero para magsama-sama ang mga helium, dapat na tamang-tama ang ilang kondisyon. “Magkaroon lang ng kahit katiting na pagbabago [sa mga pisikal na batas],” ang isinulat ng pisikong si Paul Davies, “walang uniberso, walang buhay, at tiyak na walang tao.” Paano natin ipaliliwanag ang napakaeksaktong kondisyong ito? Sinasabi ng ilan na nagkataon lang ito. Sinasabi naman ng iba na ebidensiya ito na may matalinong lumikha. Para sa iyo, alin ang mas kapani-paniwala?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share