Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g19 Blg. 2 p. 8-9
  • Kung Paano Magiging Matatag

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Magiging Matatag
  • Gumising!—2019
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANO ANG KATATAGAN?
  • BAKIT MAHALAGA ANG KATATAGAN?
  • KUNG PAANO ITUTURO ANG KATATAGAN
  • Gaano Ako Katatag?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Tulungan ang mga Anak na Harapin ang Pagkabigo
    Tulong Para sa Pamilya
  • Ano ang Dapat Kong Gawin Kapag Pinayuhan Ako?
    Tanong ng mga Kabataan
  • Turuan ng Kapakumbabaan ang mga Anak
    Gumising!—2017
Iba Pa
Gumising!—2019
g19 Blg. 2 p. 8-9
Tinutulungan ng nanay ang anak niya dahil hindi maganda ang kinalabasan ng cake na ginawa nito

ARAL 3

Kung Paano Magiging Matatag

ANO ANG KATATAGAN?

Ang taong matatag ay kayang bumangong muli kapag nadismaya o may masamang pangyayari sa buhay. Natututuhan ito ng isa mula sa kaniyang mga karanasan. Kung paanong hindi matututong maglakad ang isang bata nang hindi nadadapa, hindi rin naman matututo sa buhay ang anak mo kung hindi siya daranas ng kabiguan.

BAKIT MAHALAGA ANG KATATAGAN?

May mga batang pinanghihinaan ng loob kapag nakaranas ng kabiguan, problema, o pamumuna. Ang iba pa nga ay tuluyan nang sumusuko. Pero kailangan nilang maunawaan ang sumusunod:

  • Hindi tayo laging magtatagumpay.—Santiago 3:2.

  • Lahat ay makakaranas ng mahihirap na sitwasyon.—Eclesiastes 9:11.

  • Kailangan ang pagtutuwid para matuto at sumulong.—Kawikaan 9:9.

Tutulong ang katatagan para maharap ng anak mo ang mga problema sa buhay nang may kumpiyansa.

KUNG PAANO ITUTURO ANG KATATAGAN

Kapag nabigo ang iyong anak.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Kahit mabuwal ang matuwid nang pitong ulit, babangon pa rin siya.”—Kawikaan 24:16.

Tulungan ang iyong anak na magkaroon ng tamang pananaw sa mga problema. Halimbawa, ano kaya ang gagawin niya kung bumagsak siya sa exam? Baka sumuko siya at sabihin, “Wala na akong ginawang tama!”

Para matuto siyang maging matatag, tulungan siyang gumawa ng paraan para magtagumpay sa susunod. Sa paggawa nito, matututo siyang solusyunan ang problema sa halip na sumuko.

Pero iwasang ikaw ang umayos ng problema ng anak mo. Hayaan mo siyang gumawa ng paraan. Puwede mo siyang tanungin, “Ano pa ang puwede mong gawin para mas maintindihan mo ang subject na itinuturo sa inyo?”

Kapag may masamang nangyari.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.”—Santiago 4:14.

Walang kasiguruhan ang buhay. Ang taong mayaman ngayon ay puwedeng maghirap kinabukasan; ang taong malusog ngayon ay baka magkasakit bukas. Sinasabi ng Bibliya: “Hindi laging ang matulin ang nananalo sa takbuhan, hindi laging ang malakas ang nananalo sa labanan, . . . dahil lahat sila ay naaapektuhan ng panahon at di-inaasahang pangyayari.”—Eclesiastes 9:11.

Bilang magulang, gagawin mo ang lahat para ipagsanggalang ang anak mo mula sa panganib. Pero hindi mo siya mapoprotektahan sa lahat ng masasamang pangyayari sa buhay.

Siyempre, hindi pa naman mararanasan ng anak mo na matanggal sa trabaho o malugi sa negosyo. Pero matutulungan mo siyang harapin ang ibang problema, gaya ng pagkasira ng pagkakaibigan o pagkamatay ng isang kapamilya.a

Kapag nakatanggap ng pamumuna ang iyong anak.

PRINSIPYO SA BIBLIYA: “Makinig ka sa payo . . . para maging marunong ka pagdating ng araw.”—Kawikaan 19:20.

Hindi lahat ng pamumuna ay pambu-bully. Ang ilang pamumuna ay tutulong para makita ng bata na may kailangan siyang baguhin sa kaniyang pagkilos o pag-uugali.

Kapag naturuan mo ang iyong anak na tumanggap ng payo, pareho kayong makikinabang. Sinabi ni John: “Kapag laging isinasalba ng mga magulang ang kanilang anak mula sa mga problema, hindi sila matututo. Habambuhay na nilang sasaklolohan ang mga ito kapag nagkakaproblema. Magiging miserable ang buhay ng mga magulang at ng kanilang anak.”

Paano mo matutulungan ang iyong anak na makinabang sa pamumunang may magandang intensiyon? Kapag nakatanggap sila nito, sa school o saanman, iwasang sabihing hindi makatuwiran ang pamumunang iyon. Sa halip, tanungin siya:

  • “Bakit ka kaya itinutuwid ng taong iyon?”

  • “Paano ito makakatulong sa iyo?”

  • “Ano ang gagawin mo kapag napaharap ka ulit sa katulad na sitwasyon?”

Tandaan, ang pamumuna na may magandang intensiyon ay makakatulong sa iyong anak ngayon at hanggang sa pagtanda niya.

a Tingnan ang artikulong “Tulungan ang Iyong Anak na Makayanan ang Pamimighati,” sa Ang Bantayan, Hulyo 1, 2008.

Tinutulungan ng nanay ang anak niya dahil hindi maganda ang kinalabasan ng cake na ginawa nito

SANAYIN NA SIYA NGAYON

Ang isang bata na kayang bumangong muli kapag nadismaya at nagkamali ay mas malamang na magtitiyaga para matuto ng mga kasanayan at maging mahusay sa mga ito

Magpakita ng Halimbawa

  • Inaamin ko ba ang mga pagkakamali ko, o sinisisi ko ang iba?

  • Sinasabi ko ba ang mga kabiguan ko sa buhay at ang mga natutuhan ko mula sa mga ito?

  • Nilalait ko ba ang iba kapag nagkakamali sila?

Ang Sinasabi ng Ilang Magulang

“Hindi namin pinoprotektahan ang aming mga anak sa bawat problema, kabiguan, o pagkakamali. Napabuti ako dahil pinagdaanan ko ang mga iyon noong bata pa ako. Sa tingin ko, balanse at responsableng adulto ang mga anak namin dahil hindi namin sila pinalaki sa layaw.”—Jeff.

“Kapag may pagkukulang kami sa aming mga anak, nagso-sorry kami sa kanila. Palagay ko dapat ikuwento ng mga magulang sa mga anak nila ang kanilang mga pagkakamali at kabiguan para ipakitang bahagi ito ng buhay.”—James.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share