Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwhf artikulo 7
  • Tulungan ang mga Anak na Harapin ang Pagkabigo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tulungan ang mga Anak na Harapin ang Pagkabigo
  • Tulong Para sa Pamilya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang dapat mong malaman
  • Ang puwede mong gawin
  • Kung Paano Magiging Matatag
    Gumising!—2019
  • Mga Magulang—Tulungan ang Inyong mga Anak na Mahalin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2022
  • Turuan ang Inyong mga Anak na Ibigin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
  • Sanayin ang Inyong Anak na Ibigin si Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
Iba Pa
Tulong Para sa Pamilya
ijwhf artikulo 7
Pinapasigla ng isang nanay ang kaniyang anak dahil bumagsak ito sa exam

TULONG PARA SA PAMILYA

Tulungan ang mga Anak na Harapin ang Pagkabigo

Siguradong makakaranas din ang iyong mga anak ng pagkabigo. Kaya paano mo sila tutulungang makabangon?

  • Ang dapat mong malaman

  • Ang puwede mong gawin

Ang dapat mong malaman

Ang pagkabigo ay parte ng buhay. Sinasabi ng Bibliya na “lahat tayo ay nagkakamali.” (Santiago 3:2) Nagkakamali rin ang mga bata. Pero puwedeng magkaroon ng magandang resulta ang pagkabigo—matututuhan nilang harapin ang mahihirap na sitwasyon. Walang batang ipinanganak na may ganiyang kakayahan, pero natututuhan iyan. “Nakita naming mag-asawa na mas mabuting matuto ang mga bata na harapin ang pagkabigo kaysa magkunwaring hindi iyon nangyari,” ang sabi ng isang nanay na si Laura. “Makakayanan nila kapag hindi naging okey ang mga bagay-bagay.”

Maraming bata ang nahihirapang harapin ang pagkabigo. Hindi alam ng ilang bata kung paano haharapin ang pagkabigo dahil kinukunsinti sila ng mga magulang nila. Halimbawa, kapag mababa ang grado ng bata sa eskuwela, sinasabi ng ilang magulang na kasalanan iyon ng guro. Kapag nakaaway ng bata ang kaibigan niya, ang sisisihin nila ay ang kaibigan niya.

Pero kung lagi na lang pagtatakpan ng magulang ang mga anak nila, paano sila magiging responsable sa mga pagkakamali nila?

Tinutulungan ng nanay ang kaniyang anak na makabangon sa pagkabigo sa eskuwela

Ang puwede mong gawin

  • Sabihin sa iyong anak na mananagot siya sa kaniyang ginagawa.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Anuman ang inihahasik ng isang tao, iyon din ang aanihin niya.”—Galacia 6:7.

    May resulta ang lahat ng ginagawa mo. Kapag nagkamali ka, pagbabayaran mo ang masamang resulta noon. Dapat matutuhan ng mga bata na kung ano ang itinanim, iyon ang aanihin. At kailangan nilang maging responsable anuman ang maging resulta ng gagawin nila. Kaya huwag sisihin ang iba o pagtakpan ang iyong mga anak. Sa halip, hayaan na maranasan nila ang bunga ng ginawa nila, pero dapat na tama lang ito sa kanilang edad. Dapat din nilang maunawaan na naranasan nila iyon dahil nagkamali sila.

  • Tulungan ang iyong anak na makahanap ng solusyon.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Kahit mabuwal ang matuwid nang pitong ulit, babangon pa rin siya.”—Kawikaan 24:16.

    Masakit ang mabigo, pero hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Tulungan ang iyong anak na makaisip ng solusyon sa halip na maghanap ng masisisi. Halimbawa, kung bumagsak sa exam ang iyong anak, sabihin sa kaniya na baka kailangan niyang mag-aral nang mabuti at galingan sa susunod. (Kawikaan 20:4) Kung nakaaway ng anak mo ang kaibigan niya, turuan siyang makipagbati, sino man ang nagkamali.—Roma 12:18; 2 Timoteo 2:24.

  • Turuan ang iyong anak na maging mapagpakumbaba.

    Prinsipyo sa Bibliya: “Sinasabi ko sa inyong lahat na huwag mag-isip nang higit tungkol sa sarili kaysa sa nararapat.”—Roma 12:3.

    Kapag sinabi mo sa iyong anak na siya ang “pinakamagaling” sa isang bagay, hindi iyon realistiko at hindi rin nakakatulong. Kahit ang pinakamahuhusay na bata sa eskuwela ay hindi laging perpekto ang grado. Kahit ang magagaling sa sports ay natatalo rin. Mas nakakayanan ng bata ang pagkabigo kung tama ang pananaw niya sa sarili niya.

    Sinasabi ng Bibliya na nagiging malakas at matiisin tayo dahil sa mga pagsubok. (Santiago 1:2-4) Kung tutulungan mo ang iyong anak na maging realistiko, hindi siya masyadong madidismaya sakaling mabigo siya.

    Ang pagtuturo sa iyong anak na maging matatag ay parang pagtuturo sa kaniya ng skill—kailangan ng panahon at pagsisikap. Pero sulit iyan lalo na kapag lumaki na sila. “Kapag sanay ang kabataan na harapin ang problema, mas malamang na hindi siya gagawa ng isang bagay na ikakapahamak niya,” ang sabi ng aklat na Letting Go With Love and Confidence. “Mas handa sila sakali mang mapaharap sila sa bago o di-inaasahang mga bagay.” Siyempre pa, madadala nila iyan hanggang sa pagtanda.

Tip: Matututo ang mga anak mo na harapin ang mga problema nila kung magpapakita ka ng magandang halimbawa.

Review: Kung Paano Tutulungan ang mga Anak na Harapin ang Pagkabigo

  1. Sabihin sa iyong anak na mananagot siya sa kaniyang ginagawa.

  2. Tulungan ang iyong anak na makahanap ng solusyon.

  3. Turuan ang iyong anak na maging mapagpakumbaba.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share