Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g21 Blg. 1 p. 15
  • Makakakuha Ka ng Karunungan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Makakakuha Ka ng Karunungan
  • Gumising!—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Gusto ng Diyos na Makinabang Ka sa Karunungan Niya
  • Puwede Mong Makuha ang Karunungan ng Diyos
  • Paano Tayo Makikinig sa Diyos?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • May Diyos Ba? Mahalaga Ba Kung Mayroon Man?
    Gumising!—2015
  • Tama at Mali: Ang Basehan na Dapat Mong Piliin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2024
  • Tamang mga Turo na Nakalulugod sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2005
Iba Pa
Gumising!—2021
g21 Blg. 1 p. 15

Makakakuha Ka ng Karunungan

“Ang buong Kasulatan ay mula sa Diyos.” (2 Timoteo 3:16) Ibig sabihin, inilagay ng Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat ang kaisipan niya sa isip ng mga manunulat ng Bibliya.

IMPORMASYON TUNGKOL SA BIBLIYA

  • Mga bahagi ng isang aklat.

    66

    Mga aklat ng Bibliya.

  • Isang kamay na nagsusulat habang may liwanag mula sa itaas.

    40

    Mga lalaking ginamit ng Diyos para isulat ang Bibliya.

  • Isang hourglass.

    1513 B.C.E.

    Sinimulang isulat ang Bibliya—mahigit 3,500 taon na ang nakakaraan!

  • Letra ng iba’t ibang wika.

    3,000+

    Wika na available ang Bibliya o mga bahagi nito.

Gusto ng Diyos na Makinabang Ka sa Karunungan Niya

“Ako, si Jehova, . . . ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka, ang pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran. Kung magbibigay-pansin ka lang sa mga utos ko, ang kapayapaan mo ay magiging gaya ng ilog at ang katuwiran mo ay magiging gaya ng mga alon sa dagat.”​—ISAIAS 48:17, 18.

Isiping ikaw mismo ang kinakausap ng Diyos sa tekstong iyan. Gusto niyang maging panatag ka at tunay na maligaya, at matutulungan ka niyang mangyari iyan.

Puwede Mong Makuha ang Karunungan ng Diyos

“[Kailangang] ipangaral ang mabuting balita sa lahat ng bansa.”​—MARCOS 13:10.

Kasama sa “mabuting balita” ang pangako ni Jehova na alisin ang pagdurusa, gawing paraiso ang lupa, at buhaying muli ang mga namatay nating mahal sa buhay. Ipinapangaral ng mga Saksi ni Jehova sa buong mundo ang mensaheng iyan mula sa Bibliya.

Nalaman Ko ang Sagot Nang Basahin Ko ang Bibliya

“Bata pa lang ako, itinatanong ko na kung sino ang Maylalang. Iniisip ko, ‘Parang imposible namang may kaniya-kaniyang diyos o maylalang ang bawat bansa.’ Kaya nagustuhan ko ang sinasabi ng Bibliya sa Roma 3:29 na ang tunay na Diyos ay ‘Diyos din . . . ng mga tao ng ibang mga bansa.’ May personal na pangalan din siya—Jehova—at gusto niya tayong maging kaibigan.”​—Rakesh.

Si Rakesh.
    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share