Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g22 Blg. 1 p. 7-9
  • 2 | Ingatan ang Kabuhayan Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 2 | Ingatan ang Kabuhayan Mo
  • Gumising!—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
  • Ang Dapat Mong Malaman
  • Ang Puwede Mong Gawin Ngayon
  • Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang Iyong Kita?
    Iba Pang Paksa
  • Ang Paraan Upang Makaiwas sa Utang
    Gumising!—1996
  • Badyitin ang Iyong Salapi—Ang Madaling Paraan!
    Gumising!—1985
  • Pagbabadyet ng Pera
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Gumising!—2022
g22 Blg. 1 p. 7-9
Karpinterong nagpupukpok ng pako sa isang piraso ng kahoy.

MAGULO ANG MUNDO

2 | Ingatan ang Kabuhayan Mo

BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Maraming tao ang nahihirapang makaraos sa araw-araw. Nakakalungkot, dahil sa dami ng problema sa mundo, lalo pang nahihirapan ang mga tao na makaraos. Bakit?

  • Kapag may krisis sa komunidad, tumataas ang mga bilihin at gastusin, gaya ng pagkain at upa sa bahay.

  • Kapag may krisis, puwedeng mawalan ng trabaho o mabawasan ang suweldo.

  • Dahil sa mga sakuna, puwedeng bumagsak ang mga negosyo, masira ang mga bahay o iba pang mga ari-arian, kaya maghihirap ang mga tao.

Ang Dapat Mong Malaman

  • Kung marunong kang humawak ng pera, mas magiging handa ka sa panahon ng krisis.

  • Tandaan na ang mga kinikita mo, ipon, at ari-arian ay puwedeng mawalan ng halaga.

  • May mga bagay na hindi nabibili ng pera, gaya ng kaligayahan at pagkakaisa ng pamilya.

Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

Ang sabi ng Bibliya: “Maging kontento na tayo kung mayroon tayong pagkain at damit.”​—1 Timoteo 6:8.

Kung kontento tayo, masaya na tayo kapag mayroon tayo ng mga pangangailangan natin. Napakahalaga nito lalo na kung naapektuhan ang kabuhayan natin.

Para maging kontento, baka kailangan mong magtipid. Kung mas malaki ang ginagastos mo kaysa sa kinikita mo, lalo ka lang magkakaproblema sa pera.

ANG PUWEDENG GAWIN​—Mga Tip

Sa panahon ng krisis, maiingatan mo ang iyong kabuhayan kung susundin mo ang mga tip na ito

MAGTIPID

  • May-edad na babaeng nag-aani ng carrot sa taniman niya.

    Magtipid

    Huwag munang magpalit ng mga gamit o bumili ng damit kung hindi mo pa naman kailangan. Tanungin ang sarili: ‘Puwede kayang magtanim ako ng mga gulay kaysa bumili nito? Kailangan ko ba talaga ng sasakyan?’

  • Bago bumili ng isang bagay, tanungin ang sarili: ‘Kailangan ko ba talaga ito? May badyet ba ako para dito?’

  • Mag-apply para sa tulong na ibinibigay ng mga ahensiya ng gobyerno kung mayroon sa lugar ninyo.

“Pinag-usapan ng pamilya namin ang mga gastusin namin. Nagbawas kami ng mga libangan na magastos. Naging mas matipid na rin kami sa paghahanda ng pagkain.”​—Gift.

MAGBADYET

Babaeng nagkukuwenta gamit ang calculator.

Magbadyet

Ang sabi ng Bibliya: “Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay, pero ang lahat ng padalos-dalos ay tiyak na maghihirap.” (Kawikaan 21:5) Makakatulong ang pagbabadyet para hindi lumampas sa kinikita mo ang ginagastos mo.

  • Ilista ang kikitain mo sa isang buwan.

  • Ilista ang mga bayarin mo buwan-buwan at pag-aralang mabuti ang mga pinagkakagastusan mo.

  • Ikumpara ang kinikita mo sa gastos mo, at kung kailangan, bawasan ang gastusin para hindi ka lumampas sa badyet mo.

“Buwan-buwan, gumagawa kami ng listahan kung magkano ang kinikita namin at ginagastos. Sinisikap naming magtabi para sa mga biglaang gastusin at iba pang kailangang bilhin. Kaya hindi na kami masyadong kinakabahan kasi alam na namin ang badyet namin.”​—Carlos.

IWASANG UMUTANG / MAG-IPON

  • Tinutulungan ng nanay ang anak niya na maghulog ng pera sa garapon.

    Iwasang umutang / mag-ipon

    Gumawa ng paraan para makabawas sa utang. Kung posible, huwag na lang umutang. Sa halip, sikapin mong pag-ipunan ang mga kailangan mong bilhin.

  • Buwan-buwan, magtabi ng kaunting pera para sa mga inaasahan at di-inaasahang gastusin.

MAGING MASIPAG SA TRABAHO

Ang sabi ng Bibliya: “May pakinabang sa bawat pagsisikap.”​—Kawikaan 14:23.

  • Karpinterong nagpupukpok ng pako sa isang piraso ng kahoy.

    Maging masipag sa trabaho

    Maging positibo sa trabaho mo. Kahit hindi mo gusto ang trabaho mo, ang mahalaga, kumikita ka pa rin.

  • Maging masipag at maaasahan. Makakatulong ito para hindi ka mawalan ng trabaho. At kung sakali mang mawalan ka ng trabaho, mas madali kang makakahanap.

“Hindi ako mapili sa trabaho. Okey lang sa ’kin kahit hindi ko gusto ang trabaho o mababa ang suweldo. Pinagbubuti ko ang trabaho ko, na para bang ako rin ang makikinabang sa ginagawa ko.”​—Dmitriy.

Kung naghahanap ka ng trabaho . . .

  • Huwag basta maghintay. Tumawag sa mga kompanya o negosyo kahit walang nakapaskil na naghahanap sila ng empleyado. Magsabi din sa mga kaibigan at kapamilya na naghahanap ka ng trabaho.

  • Mag-adjust. Mahirap makahanap ng trabaho na talagang gustong-gusto mo.

Mag-asawang pinag-uusapan ang budget habang naglalaro sa bakuran ang mga anak nila.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Basahin ang “Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang Iyong Kita?”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share