Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g24 Blg. 1 p. 10-12
  • Nasaan Na ang Respeto sa Pamilya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nasaan Na ang Respeto sa Pamilya?
  • Gumising!—2024
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG PAMILYA
  • ANG PUWEDE MONG GAWIN
  • ANG GINAGAWA NAMIN
  • Kailangan Mo Ba ng Tulong?
    Gumising!—2020
  • Higit Pang Tulong Para sa Pamilya
    Gumising!—2018
  • Karunungan Para sa Buhay sa JW.ORG
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2022
  • Tip sa Pag-aaral
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2023
Iba Pa
Gumising!—2024
g24 Blg. 1 p. 10-12
Asawang lalaki na naiinis at gumagamit ng cellphone habang kinakausap siya ng asawa niya. Nakatingin sa kanila ang anak nilang lalaki.

Nasaan Na ang Respeto sa Pamilya?

KUNG BAKIT MAHALAGANG IRESPETO ANG PAMILYA

Kapag may respeto ang mga miyembro ng pamilya sa isa’t isa, nagiging panatag sila.

  • Sinasabi sa aklat na The Seven Principles for Making Marriage Work na kapag may respeto ang mag-asawa sa isa’t isa, ipinapakita nila na mahal nila ang isa’t isa “hindi lang sa malaking paraan kundi pati sa maliit na paraan araw-araw.”

  • Ipinapakita ng pag-aaral na ang mga batang natutong rumespeto sa iba ay mas may kumpiyansa sa sarili. May malapít na kaugnayan din sila sa mga magulang nila, at mas maliit ang tsansa na magkaroon sila ng problema sa isip at emosyon.

ANG PUWEDE MONG GAWIN

Gumawa ng plano, kasama ng pamilya mo. Una, siguraduhing naiintindihan ng bawat isa sa inyo ang ibig sabihin ng “respeto.” Ikalawa, isulat ninyo kung ano ang gusto at ayaw ninyong gawin ng bawat isa sa inyo. Ikatlo, pag-usapan ninyo bilang pamilya kung ano ang puwedeng gawin para maipakita ang respeto.

“Ang mga plano ng masipag ay tiyak na magtatagumpay.”​—Kawikaan 21:5.

Magpakita ng halimbawa. Nagpopokus ka ba sa mga pagkakamali ng mga kapamilya mo? Minamaliit mo ba ang mga opinyon nila? Binabale-wala mo ba sila o sumasabat ka kapag nagsasalita sila?

Tip: Isiping obligado kang magpakita ng respeto sa asawa’t mga anak mo, kahit sa tingin mo, hindi sila karapat-dapat sa respetong iyon.

“Mauna kayo sa pagpapakita ng paggalang sa iba.”​—Roma 12:10.

Magpakita ng respeto kahit hindi ka sang-ayon sa kapamilya mo. Kapag nakikipag-usap ka, iwasan mong sabihin ang gaya ng “lagi ka namang ganiyan” o “hindi ka kasi.” Makakasakit ang mga iyan sa damdamin ng kapamilya mo at lalaki lang ang maliliit na problema.

“Ang mahinahong sagot ay nakapapawi ng galit, pero ang masakit na salita ay nakagagalit.”​—Kawikaan 15:1.

Kabataang babae na nanonood ng video sa jw.org.

ANG GINAGAWA NAMIN

Tinutulungan naming mga Saksi ni Jehova ang mga miyembro ng pamilya na irespeto ang isa’t isa. Madalas itong tema sa mga artikulo, aklat, brosyur, at video na inilalabas namin nang walang bayad.

PARA SA MAG-ASAWA: Tinutulungan ng mga artikulo sa seryeng Tulong Para sa Pamilya ang mag-asawa na . . .

  • maging mabuting tagapakinig

  • iwasan ang di-pagkikibuan

  • iwasan ang pagtatalo

(Hanapin ang “Tulong Para sa Pamilya” sa jw.org)

PARA SA MGA MAGULANG: Tinutulungan ng mga artikulo sa seryeng Tulong Para sa Pamilya ang mga magulang na sanayin ang mga anak nila na . . .

  • maging masunurin

  • tumulong sa mga gawaing-bahay

  • magsabi ng “pakisuyo” at “salamat po”

(Hanapin ang “Pagpapalaki ng mga Anak” at “Pagpapalaki ng mga Tin-edyer” sa jw.org)

Tingnan din ang apendise na “Tanong ng mga Magulang” sa aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1. (Hanapin ang “Tanong ng mga Magulang” sa jw.org)

PARA SA MGA KABATAAN: Ang seksiyon na Mga Kabataan sa jw.org ay may mga artikulo, video, at worksheet na makakatulong sa mga kabataan na . . .

  • makasundo ang mga magulang at mga kapatid nila

  • kausapin nang magalang ang mga magulang nila tungkol sa mga patakaran sa bahay

  • makuha ang tiwala ng mga magulang nila

(Hanapin ang “Mga Kabataan” sa jw.org)

Walang bayad ang paggamit sa website na jw.org. Hindi mo kailangang mag-subscribe o gumawa ng account. Hindi ka rin hihilingang magbigay ng personal na impormasyon.

Si Joseph Ehrenbogen.

HIGIT PANG IMPORMASYON

Dating marahas at adik sa droga si Joseph Ehrenbogen bago pa siya mag-asawa. Naging maayos ang buhay ng pamilya niya nang makipag-Bible study siya sa mga Saksi ni Jehova. Para malaman ang kuwento niya, hanapin ang artikulong “Natutuhan Kong Irespeto ang mga Babae, Pati na ang Sarili Ko” sa jw.org.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share