Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • my kuwento 21
  • Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya
  • Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Kaparehong Materyal
  • Nainggit Ka Na Ba Dati? Nainggit Din ang mga Kapatid ni Jose Noon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Pakisuyo, Pakinggan Ninyo ang Panaginip na Ito”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2014
  • Isang Aliping Sumunod sa Diyos
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Jose
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
Iba Pa
Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
my kuwento 21

KUWENTO 21

Napoot kay Jose ang mga Kapatid Niya

NAPAKALUNGKOT ng batang ito. Siya’y si Jose. Ipinagbili siya ng mga kuya niya sa mga lalaking ito para maging alipin sa Ehipto. Bakit ginawa ng mga kapatid ni Jose ang napakasamang bagay na ito? Kasi inggit-na-inggit sila sa kaniya.

Si Jose ay mahal-na-mahal ng tatay nilang si Jacob. Ipinagpagawa siya ng isang mahabang damit. Kaya ang 10 kuya niya ay nainggit at napoot sa kaniya.

At saka, dalawang beses nanaginip si Jose. Doon, ay dalawang beses yumuko ang mga kapatid ni Jose sa kaniya. Nang ikuwento ni Jose ang panaginip sa mga kapatid niya, lalo silang napoot.

Isang araw, nang ang mga kuya ni Jose ay nag-aalaga sa tupa ng kanilang tatay, sinabi ni Jacob kay Jose na puntahan sila. Nang makita siyang dumarating, inisip ng kaniyang mga kapatid na patayin siya. Pero ang panganay, si Ruben, ay nagsabi: ‘Huwag, masama iyan!’ Inihulog na lang nila si Jose sa isang tuyong balon. At saka nila inisip kung ano ang gagawin sa kaniya.

Siya namang pagdaan ng ilang lalaking Ismaelita. Kaya si Jose ay ipinagbili nila sa mga Ismaelita sa halagang 20 pirasong pilak. Napakasama at napakalupit nila!

Pagkatapos ay pumatay sila ng kambing at isinawsaw ang magandang damit ni Jose sa dugo nito. Iniuwi nila ang damit sa tatay nilang si Jacob at sinabi: ‘Nakita namin ito. Hindi ba ito ang damit ni Jose?’

Nakita ni Jacob na ito nga. Napaiyak siya. ‘Pinatay yata si Jose ng mabangis na hayop.’ Ito nga ang gusto ng mga kapatid ni Jose na isipin ng tatay nila. Lungkot-na-lungkot si Jacob. Ilang araw siyang umiiyak. Pero hindi patay si Jose. Tingnan natin kung ano ang mangyayari sa kaniya.

Genesis 37:1-35.

Mga Tanong sa Pag-aaral

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share